Advertisers

Advertisers

‘NASA CAMERA ANG PERA’ (NCAP) KAILANGAN BA?

0 30

Advertisers

NAGTIPON kahapon sa National Press Club (NPC) ang mahigit dalawampung ‘national transport leaders’ upang iprotesta ang “sorpresang” pagbabalik ng ‘No Contact Apprehension Policy’ (NCAP) sa Metro Manila na mas kinatakutan noon bilang ‘Nasa Camera Ang Pera.’

“Sorpresa” dahil reklamo nila, “walang nangyaring konsultasyon” sa pagbabalik nito sa mga lungsod ng Maynila, Quezon City, San Juan, Muntinlupa at Parañaque, epektibo kahapon at wala ring ideya ang publiko kung “sino” (na naman) ang talagang magpapatupad nito?

Bagaman, nagpapasalamat ang ‘transport sector’ sa anunsiyo ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian at Kyusi Mayor Joy Belmonte, sa kanilang anunsiyo na “suspendido” ang NCAP sa kanilang nasasakupan, kaya, MABUHAY KAYO mga bosing!



Kung totoo naman (daw) na may “malasakit” sa interes ng mahihirap na direktang mabibiktima ng NCAP sina Yorme Isko (Maynila), Ruffy Biazon (Muntinlupa) at Edwin Olivarez (Parañaque), hindi masama kung “mainggit” sila at tularan ang magandang ehemplo nina Mayor Wes at Mayor Joy. Mangyari naman kaya?

Oops! Ayon kay Atty. Ariel Inton, hindi (daw) “puwede” na ibida ni Yorme Isko na Maynila LGU ang “mamamahala” sa NCAP dahil “labag” din umano ito sa desisyon ng Korte Suprema, aguy!



At sa panahong nasa ‘national emergency crisis’ pa rin ang bansa dahil sa giyera sa Middle East kung saan “umiiyak” na sa mahal ng presyo ng krudo, spareparts, at pangunahing bilihin, hindi lang ang mga drayber at bagkus, ang bawat Pilipino, sadya bang kailangan na ngayon ipatupad itong NCAP, mahal na Pangulong BBM?

Komento pa nga ng isang transport leader, sadya bang kailangan itong NCAP, isang programang dinisensyo para sa mga ‘First World Countries’ sa isang ‘Third World Country’ katulad ng ‘Pinas, na bukod sa lubog sa krisis, ay notoryus sa korapsyon at mga bulok na sistema?



Sadya ring masama ang karanasan ng mga Pinoy dito sa NCAP dahil isa itong NEGOSYO kung saan kumikita ng walang pagod ang mga LGUs at siyempre, ang nasa likod ng raket na ito, isang ‘private third-party entity,’ kaya nga binansagan itong… “Nasa Camera Ang Pera!”

Naniniwala tayo na kung hindi agarang aaksyon ang gobyerno para ibasura itong NCAP, mauuwi ang sitwasyon sa sitwasyong ayaw nang lahat—malawakang WELGA!

Abangan!