Advertisers

Advertisers

7 sa 9 presong pumuga sa MPD-PS1 balik-kulungan

0 18

Advertisers

NAIBALIK na sa kulungan ang pito sa siyam na preso na nakatakas mula sa custodial facility ng Manila Police District’s (MPD) Station 1 sa Tondo, Maynila nitong Miyerkoles ng umaga.

Tinanggal narin ang ilang jail guards bunsod ng insidente.

Kinilala ang mga preso na muling nahuli na sina Arnold Olino, MJ Tauzon, Jericho Andal Antipuesto, Albert Calayas, Gian Carlo Rayala, Adriano Zilmar at John Joseph Laguna.

Habang ang dalawang nalalabing preso na ‘di pa natatagpuan ay sina “Master” Cedric Zodiacal at Jefferson Tumbaga.

Ang mga nahuli na muling inaresto sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila ay kasalukuyang nasa kustodiya ng MPD Station 1, habang sumasailalim sila sa isang debriefing interview upang matukoy ang iba pang detalye ng kanilang pagtakas.

Ayon sa National Capital Region Police Office, nakatakas ang mga detenido nang lansagin ang iron grill sa gilid ng detention facility.

Hindi naman ibinunyag ng MPD ang pagkakakilanlan ng mga tauhan ng pulisya ngunit sinabing ilang custodial officers na ang administratibong tinanggal sa kanilang mga puwesto upang bigyang-daan ang isinasagawang imbestigasyon.

Sinabi ni Manila Police District acting director Colonel Arnold Thomas Ibay na tinitingnan nila ang lawak ng “kapabayaan” ng may apat na pulis. (Jocelyn Domenden)