Advertisers

Advertisers

Banta ni ex-President Rody “Digong” Duterte

0 9

Advertisers

NAGBANTA si dating Pangulo Rody “Digong” Duterte na babalik siya sa politika mula sa “pagretiro” kapag ipinagpatuloy ang pagpatalsik sa kanyang anak, Vice President “Inday” Sara Duterte-Carpio.

Ang pagbabanta ay ginawa ni Digong sa kanilang programa ni Pastor Apolo Quiboloy na ‘Gikan sa Masa Para sa Masa’ sa SMNI na pag-aari rin ni Quiboloy. Si Quiboloy ay wanted sa Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil sa mga kinakaharap na kaso sa Esrados Unidos.

Sabi ni Digong: “Kapag ginawa ninyo yan, babalik ako sa politika. It’s either I run for Senator or I will run for Vice President maski matanda na ako. Kung si Inday ang mag-president okay lang. Simple lang naman yan.”



Si ACT Teachers Party-list Representative France Castro ang nagbunyag na pinag-uusapan ng party political leaders sa Kongreso ang “impeachment” laban sa Bise Presidente.

Pinabulaanan ni House Speaker Martin Romualdez ang isyu ng impeachment laban kay VP Sara.



Pero kinumpirma ni Pangulong “Bongbong” Marcos, pinsan ni Speaker Romualdez, na nakarating na sa kanya ang impeachment rumors laban kay VP Sara, at binabantayan aniya ito. Ayaw aniya mawala sa puwesto ang kanyang running mate. Hindi raw nito deserved ma-impeach.

Ang isyu ng impeachment vs VP Sara ay nag-ugat sa P125 million confidential funds na nilustay niya sa loob lamang ng 11 days noong Disyembre 2022 at ang hirit pa nitong malaking confi-intel funds sa 2024, at ang pag-atake ni Digong sa Kongreso na sinabing pinakabulok na institution sa bansa.



Ang mga isyung ito laban kay VP Sara ay kasalukuyan nang hinihimay ng Commission on Audit, at isinampa narin sa Korte Suprema ang legalidad ng naturang sekretong pondo na hindi nakalagay sa GAA 2022.

Sinabi ng CoA na ilalabas nila bago mag-pasko ang audit sa P125m. Abangan!

Balikan natin ang banta ni Digong na pagbalik sa politika.

Sakaling tumakbo siyang Senador o Vice President, malamang na manalo siya dahil mataas parin ang kanyang ratings sa mga survey. Ang tanong: Kaya pa ba ng kanyang katawan? e halos hindi na siya makalakad ng walang tungkod. Bumagsak na nga raw ito, sabi mismo ni Senador Bong Go. Kahit noong nasa puwesto siya ay madalas siyang muntikan matumba dahil sa mahina nang pangangatawan.

Kung manalo naman siyang Senador, wala rin siyang magagawa dahil ang senador ay wala namang constituent. Hindi oobra ang mga mura niya sa Senado. Hehehe…

Kung Bise Presidente naman siya, wala rin siyang magagawa maliban kung gawin siyang Secretary ng DILG o ng DoJ at ang Presidente ay si Sara. Makokontrol nila ang lahat.

Pero papayag ba ang Marcos at Romualdez na mawala pa sa kanila ang trono sa Malakanyang? I doubt!!!

Surely, maghihiwalay ang Marcos at Duterte bago 2028!