Advertisers

Advertisers

8,000 drug suspects na ang napatay sa giyera sa droga – PNP

0 222

Advertisers

UMABOT na sa 8,000 ang bilang ng mga namatay sa ilalim ng anti-drug operations mula nang umupo si Pangulong Rodrigo Duterte noong July 2016.
Batay sa 60-day accomplishment report ni PNP Chief, General Camilo Cascolan, 7,987 drug suspects ang namatay sa 234,036 operations na isinagawa mula 2016.
Umabot naman sa 357,069 suspects ang naaresto habang nasa 1,290,768 ang sumuko.
Pagtitiyak ni Cascolan, patuloy nilang palalakasin ang kampanya kontra droga.
Nakatakdang magretiro si Cascolan sa Nob. 10, pagsapit ng mandatory retirement age na 56.
Samantala, sa rekord ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 155 ang nasawi sa anti-drug operations mula March 31 hanggang July 31ng taon.
(Gaynor Bonilla)