Advertisers
BILANG paggunita sa World AIDS Day sa December 1, isang network advocates ang naglunsad nitong Miyerkules ng hapon ng media guide na tutulong sa mga Pinoy na mamamahayag at media outlets na gumawa ng makatotohanang, nagpapalakas at human rights-based na pag-uulat sa isyu. Ang HIV ay nangangahulugan ng human immunodeficiency virus.
Ang ‘Empowered Stories: Media Guide on HIV Reporting ay naglalaman ng napapanahong impormasyon tungkol sa HIV sa Pilipinas bilang hakbang na hikayatin ang members ng media na iwasan ang sensationalized na pag-uulat.
“Sensationalizing and assuming shame in HIV reporting prevent people from getting tested and availing treatment”, pahayag ni Anastacio Marasigan, President TLF SHARE Collective, Inc, isa sa mga organisasyon sa likod ng media guide.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health-EpidemiologyBureau, ang bansa ay nakapagtala ng fastest growing epidemic sa Asia Pacific region na may 418% change sa bagong infections sa pagitan ng 2010 at 2022 at 518% change sa AIDS-related death sa nasabi ring period. Mayroon ng tinatayang 164, 400 katao ang may HIV sa bansa at 24, 400 infections ang inaasahang madadagdag sa 2022 lamang at halos kalahati nito (47%) ay mga kabataan na nasa edad 15-24 anyos.
“Public conversations surrounding HIV shoulf inform the public of the latest developments and equip them especially the youth, with accurate information to protect themselves”, dagdag pa nito.
Ang media guide ay bahagi ng mas malaking ‘Visibility is Key’ campaign, kasama ng mga serye ng videos na nagtatampok sa PLHIVs o Person Living with HIV mula sa iba’t-ibang backgrounds.
“The campaign seeks to break down barriera by putting a spotlight on the lives of caurageous individuals who have living with HIV and leading the country’s HIV response,” pahayag ni Dr. Louie Ocampo, Country Director ng UNAIDS Philippines. (ANDI GARCIA)