Advertisers

Advertisers

DUBAI TRIP NI PBBM KANSELADO

0 4

Advertisers

KANSELADO ang biyahe ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. patungong Dubai, UAE nitong Huwebes, Nobyembre 30.

Ayon kay Pang. Marcos, nagdesisyon siyang huwag nang dumalo sa climate conference sa Dubai sa harap ng insidente ng pagho-hostage na kinasasangkutan ng 17 Filipino seafarers sa Red Sea.

Sinabi ni PBBM na magpapatawag siya ng pagpupulong upang mapabilis ang pagpapadala ng isang delegasyon sa Tehran, Iran na may layuning magbigay ng kinakailangang tulong sa mga Pinoy seafarers.



Dagdag pa ng presidente, ipinagkatiwala na niya kay DENR Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga ang pamumuno sa delegasyon sa COP28.

Binigyan din ni Pangulong Marcos ng awtorisayon si Yulo-Loyzada para magbigay ng pahayag ng bansa sa naturang komperensiya. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">