Advertisers

Advertisers

2 patay, 3 sugatan sa engkwentro sa Cavite

0 1,210

Advertisers

NASAWI ang isang miyembro ng Cavite Highway Patrol Group (HPG) at isang nagpakilalang Navy habang tatlong iba pa ang sugatan nang raratratin ng sinitang sasakyan na walang plakang sa naganap na engkwentro nitong Biyernes sa Cavite City.
Sa ulat, 1:00 ng hapon habang nagsasagawa ng anti-carnapping operation ang grupo ng HPG sa pamumuno ni Police Capt. Eduardo Guadamor kasama sina PCMS Julius Arcalas at PSSg Emerson Domingo sa Manila- Cavite Road, Brgy. 8, Pulo 3, Cavite City nang maispatan ang isang silver gray Nissan Terra na walang plaka kaya agad itong pinara at sinita.
Tumigil naman ang sasakyan at nang hingan ng mga dokumento ng sasakyan nagpakilalang mga Navy ang mga sinita.
Ayon kay Domingo, may nakita pa siyang uniform ng Navy na naka hanger sa likod ng sasakyan.
Sa report, bumaba ang isa sa mga sinita at saka pinaulanan ng bala gamit ang cal 5.56 bushmaster ang mga sumitang pulis. Gumanti naman ng putok ang tropa ng HPG kaya napatay ang isa sa mga suspek pero mabilis na nakaharurot ang kasama nito palabas ng bayan ng Noveleta.
Bukod sa mga pulis, tinamaan din ng ligaw na bala si Eduardo Magbana pero si Arcalas ang napuruhan sa ulo kaya dead-on-arrival na ito sa Cavite Medical Center.
Kasalukuyan nang nagsasagawa ng manhunt operation at inalarma na rin ang lahat ng bayang pwedeng daanan ng suspek.
Bineberipika na rin ang pagkakakilanlan ng napatay na suspek.(Irine Gascon)