Advertisers

Advertisers

Sundalo nagbaril-patay habang naka-admit sa ospital

0 265

Advertisers

PATAY ang isang sundalo matapos itong magbaril sa sarili sa isang pribadong hospital sa Tacloban City.
Kinilala ang biktima na si Staff Sgt. Reynaldo Abordo Alipo, nakatira sa Bato, Leyte.
Ayon kay Pol. Major Edwin Cañamaque, station commander ng San Jose Police Station 1, mismo ang kapatid ng biktima na siya ring bantay nito ang unang nakakita sa pagbaril ng kapatid sa sarili, kaya agad itong humingi ng saklolo sa mga nurse.
Pinigilan pa ang sundalo ng dalawang nurse, pero hindi nila ito nakumbinsi na wag magpakamatay.
Tinitingnang anggulo ng pagpakamatay ng sundalo ang pulmonary problem nito.
Wala namang nakikitang foul play ang PNP sa insidente.(PTF team)