Advertisers

Advertisers

Survey: Rating ni VP Sara lalo pang bumagsak!

0 2,175

Advertisers

WALA na yatang pag-asa na makabangon pa sa paglagapak ng kanyang ratings si Vice President “Inday” Sara Duterte-Carpio.

Oo! Sa year-end survey ng Publicus, lalong bumaba ang approval rating ni VP Sara, mula sa negative 62% nung third quarter survey ay sumadsad pa ito sa 59% sa November 29 to December 4 survey. Tsk tsk tsk!!!

Samantalang si President “Bongbong” Marcos, Jr. naman ay bahagyang umangat mula sa 55% tungo sa 58%.



Kunsabagay 3 percent lang ang ibinaba ngayon ni Inday, kumpara nung 3rd querter na 11 percent ang kanyang ibinagsak. Pero masamang pangitain ito, na habang papasok na siya sa pangalawang taon ng kanyang termino ay pababa kaagad ang kanyang grado sa masang Pinoy.

‘Pag nagpatuloy ang pagbagsak ng approval rating ni VP Sara hanggang sa sunod na taon, malamang iwanan siyang tuluyan ng kanyang mga kaalyado na unti-unti nang nababawasan, lumilipat sa kampo ni House Speaker Martin Romualdez, ang pinsang buo ni PBBM na may ambisyong kumasa sa pagkapangulo sa 2028.



Isa sa mga pangunahing rason ng pagbagsak ng popularidad ni VP Sara ay ang kanyang “katakawan” sa confidential funds, gustong lustayin nang lustayin ang taxpayers money nang walang resibo tulad ng ginawa nila sa kaban ng Davao City, kungsaan ayon sa Commission on Audit (CoA) report ay nagkaroon ito ng bilyones na confi funds sa kanyang termino as mayor ng lungsod mula 2016 to 2022.

Bagama’t tinanggal na ng Kongreso ang P650 million confi funds ni VP Sara para sa 2024, nakakapit na ang mantsa nito sa kanyang pagkatao. Mismo!



Ang isa pang dumi na mahirap pagpagin sa pangalan ngayon ni VP Sara ay ang P125 million “illegal” confi funds na nilustay niya sa loob lamang ng 11 days noong Disyembre 2022.

Ang isyung ito ay idinulog sa Korte Suprema ng grupo ng mga eksperto sa batas at ng mga dating opisyal ng pamahalaan, ipinalilinaw sa mga mahistrado kung tama ba ang pagbigay ng confi funds kay VP Sara nang hindi dumaan sa Kongreso o walang item sa General Appropriations Act ng 2022, at pinalilinaw din kung tamang magkaroon ng intelligence fund ang civilian govt. agency tulad ng Office of the Vice President at Department of Education na pinamumunuan din ng anak ng dating Pangulo.

Inatasan na ng Korte Suprema si VP Sara na sagutin ang naturang mga petition laban sa kanyang confi funds.

Kaabang-abang ang magiging desisyon dito ng Korte Suprema. Subaybayan!!!

***

May inaasahang bagyo na mananalasa sa maraming bahagi ng Mindanao at Visayas.

Ayon sa PAGASA, nakataas ang Signal No. 2 sa Mindanao at Signal No. 1 naman sa Visayas.

Araw ng Martes inaasahang babagsak ang ulan sa Mindanao… Mag-ingat ang mga nasa malapit sa pampang, baka magkaroon ng malawakang baha at landslides.

Anim na araw nalang PASKO NA PO!!!

Merry Christmas sa ating lahat!!!