Advertisers
Pinasinungalingan ni PNP chief General Benjamin Acorda Jr. na kabilang siya sa mga kapulisan at kasundaluhan na nagpa- planong pabagsakin ang administrasyon Marcos.
Ito ay nang matapos banggitin ni retired ex- Army General Johnny Macanas ang pangalan ng PNP chief na sangkot sa isang destabilization plot laban sa kasalukuyan gobyerno.
Kabilang sa pinangalanan ni Macanas ay si AFP chief of staff, General Romeo Brawner Jr.
Sina Acorda at Brawner ay kapwa kilalang malapit kay PBBM.
Nagsampa ng kasong cyber libel si Gen.Acorda nitong Lunes sa Quezon City Prosecutors’ Office laban kay Macanas.
Of course ito rin ang gagawin natin kung ako si Acorda.
Pagbabangong-puri ang tawag dito sa lengguwaheng kalye nating mga Pilipino.
Layon nito na mabura ang agam- agam at duda ng kasalukuyan liderato ng gobyerno kay Acorda.
Nananatili namang tikom ang bibig ni Gen.Brawner sa isyu.
Tayo man ay may impormasyon din na mismong mga malapit kay PBBM ay involved din sa umuugong na kudeta.
Mga kadugo pa mismo nito.
Mabibigla kayo kung sasabihin natin dito kung sinu- sino ang mga ito.
Ang malinaw lang,nais ng mga taong nasa DESTAB PLOT na iligtas si PBBM mula sa mga demonyong kumokontrol dito.
Ibig sabihin ba,may grupo o mga taong iligal na nanghihimasok sa free will ni PBBM na patakbuhin ng parehas at maayos ang pamahalaan.
Matitinding isyu gaya ng pagkakasangkot sa paggamit ng droga at garapalang korapsiyon ang ipinupukol laban sa kasalukuyang administrasyon kung kaya’t di maputol- putol ang alingasngas sa destab plot.
Kayo dear readers,fake news nga ba itong ipinakakalat ng mga Marites o isang valid issue na dapat i- address ng mga kasundaluhan sa lalong madaling panahon bago pa man ganap na matulad ang PINAS sa bansang Columbia?
Sabi nga,when there’s smoke ,there’s fire!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com