Advertisers

Advertisers

44 NEWLY HIRED NON-UNIFORMED PERSONNEL, NANUMPA NG KATAPATAN SA BUCOR

0 48

Advertisers

PINANGASIWAAN ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang oath-taking ng 44 newly hired non-uniformed personnel sa simpleng seremonya na ginanap sa New Conference Hall ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ang newly hired na NUP na binubuo ng 25 babae at 18 lalaki ay sinabihan ni Catapang na sila ay huhubog sa bagong pamantayan ng pagiging BuCor Family. “Kung anu man ang mga pangit na nabalitaan nyo noon tungkol sa BuCor, kalimutan nyo na dahil tayo ngayon ang Bagong BuCor sa Bagong Pilipinas, kaya panindigan nyo yan,” wika ni Catapang

Sinabi ni DG Catapang na tapos na ang pagsasabwatan ng ilang opisyal ng BuCor at mga taong pinagkaitan ng kalayaang sangkot sa kriminalidad, ngayong taon ay magiging banner year para sa ating lahat dahil susuportahan tayo ng iba pang ahensya ng gobyerno at mga mambabatas sa ating mga bagong gawain.



Idinagdag pa ng BuCor Chief na sa loob ng limang taon ay babalikan nila ang sitwasyon sa loob ng 51 taon na napabayaan ang BuCor kaya naman kailangan maging handa bilang young blood dahil mayroon nang ugali, karakter, at edukasyon, ang kailangan lang ay panghawakan at pahalagahan.

Inihayag din nito sa newly hired NUP “ kung ano ang maiatang na trabaho sa inyo, pagbutihin nyo, huwag nyong insipin ang delihensya dahil kapag ang BuCor ay naging matagumpay, lahat makikinabang at may share ang lahat ng empleyado ng BuCor. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">