Payment ng real property at business permits, pwede na habang nagma-malling
Advertisers
SINABI ni Manila Mayor Honey Lacuna na ang pagbabayad ng real property at business permits ay puwede ng gawin habang nagma-malling.
Nabatid pa mula sa lady mayor na ang mga may-ari ng negosyo at real properties sa lungsod ay maaaring mamili kung saan magbabayad na maaaring gawin sa shopping mall, maliban pa sa online o mismong sa sarili nilang bahay.
Ayon kay Lacuna, Ang mga kinauukulan ay maaaring magbayad ng kanilang business permits at real property taxes sa Customer Service counter na matatagpuan sa third floor ng SM Store Manila mula 10 a.m. hanggang 8 p.m. araw-araw.
Kaugnay pa nito, sinabi ni permits bureau chief Levi Facundo na ang Business One Stop Shop (BOSS) Satellite Registration at available na rin sa ilang mga lugar.
Ang mga interesado ay maaaring bumisita sa E-BOSS help desk teams sa mga sumusunod: E-BOSS lounge sa Manila City Hall ground floor; SM Manila, Robinson’s Place sa Ermita, Lucky Chinatown, Tutuban Shopping Mall at 168 Shopping Mall at sa government services area sa Isetann Mall.
Tiniyak ni Facundo na ang help desk teams ay handang maglingkod kahit weekends. Ang operations tuwing Sabado ay tuwing 10 a.m. hanggang 5 p.m. at mula 12 noon hanggang 4 p.m. tuwing Linggo. (Jan. 14 at 21).
Ang mga interesado ay maaaring bumisita sa BOSS registration mula January 2 hanggang February 6, 2024 at makaranas ng mabilis at kombinyenteng business application process, sabi pa ni Facundo.
Ang pagtatalaga ng mga venues ay kaugnay ng close working relations ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga local businesses na nakabase sa kabisera ng bansa.
Napag-alaman na may halos 56,000 business establishments sa lungsod ng Maynila. (ANDI GARCIA)