Maine rumesbak sa basher nang isyuhan sa pag-uulit ng damit sa ‘Eat Bulaga’; Miles thyroid cancer-free na
Advertisers
Ni BETH GELENA
IPINAGYABANG ni Marco Gumabao ang larawan nila ng girlfriend na si Cristine Reyes.
Kinilig ang netizens sa kanilang mga larawan na nasa IG feed ng actor.
“Eyes shaded, mind elevated,” caption niya.
Aniya pa, “Outfit is never complete without a nice pair of sunglasses. Get yours now from @sunglasshavenph.” (O di ba? endorser pala sila ng sunglasses hahahaha)
Ang dami namang kinilig na supporters ng lovey dovey couple.
Komento nga nila, “Dito na lang ako sa dalawang to kinikilig.”
“Ganda mo talaga Christine.”
“Ang ganda at gwapo.”
“Sana all bagay. Cute nyo.”
***
ISANG netizen ang pinansin ang outfit ni Maine Mendoza.
Ani nito: “@mainedom #EatBulagaTV5 eto yung zara green dress sa prenup shoot nila ni hubby niya. Ang babaeng walang paki kahit ulit-ulitin ang damit on & offcam.’
Hindi naman pinalampas ng wifey ni Cong. Arjo Atayde ang komento ng accla.
Sinagot niya ito, “Ang tagal ko nang curious! Hindi ko gets yung big deal sa iba ang pag ulit ng damit ng public figures. Hehe serious question.. ma issue ba sa pag-ulit ng damit?”
(Oo nga naman).
Umayon naman ang netizens sa sagot ni Menggay.
“Even yun england royals nag uulit ng damit noh”
“Ito rin sana sasabihin ko baks. Ilang beses ni recycle ni Princess Catherine ang dresses nya. Pati yung mga Queens of Europe inuulit din nila. Ba’t ang laking issue dito sa atin na 3rd world country?”
“I watch EB almost every day. Lahat ng Dabarkads nag uulit ng damit…”
“Yes. Naalala ko si Julia Clarete lalo paulit ulit talaga. Alam ko kasi I like her outfits sa show.”
“Yaan mo na yung bashers Maine, gawin mo na lang ang gusto mo gawin.”
“Ang expensive ng clothes noh.”
“ano nga ba problema if mag-repeat ng damit? di ba mas ok nga kasi practical at nakaka-save ng pera lalo na if hindi ka naman celeb”
“Si Vice Ganda din daw di nag uulit ng damit noon because nilalait sya ng netizens pag nakitang nire-use nya yung outfit nya, ginagawang katatawanan. now wala na daw sya pake haha”
“Ang plastic lang nung mga shaming sa pag-uulit ng damit. Dapat ba one-time use o disposable ang mga damit? LOL!”
“Yung hilig manlait ng ganyan sa public figures make sure lang hindi kayo nag-uulit ng damit ha. Mahiya naman kayo sa environment at mga landfills na puno na.”
“Mon to sat show talagang nakaka stress din at magastos pag lagi new clothes, wala dapat issue yan unless event yan or show na malaki bayad syempre duon talaga dapat new clothes at di pa nasusuot kasi may budget”
***
MASAYANG ibinalita ni Miles Ocampo na cancer-free na siya after ng thyroid scare last year kung saan sumailalim siya sa surgery at radiation to combat thyroid cancer.
Sa interview ni Karen Davila.sa MMFF 2023 Best Supporting Actress kamakailan, ibinahagi ni Miles ang senyales at symptoms nang madiskubre niyang may cancerous thyroid problem siya.
“Nung time na ‘yun parang una sa lahat ‘yung weight ko hindi naman ako sobrang kumakain, nagi-Pilates naman ako, bakit ganito, bakit hindi ako pumapayat talaga? Tapos ang bilis ko mapagod, after work uuwi na ako talaga matutulog ako, tapos magigising ako ng madaling araw kasi parang hindi ako makahinga,” pagbabalik-tanaw niya.
“Eh takot ako sa needles, takot ako sa ospital, takot ako sa ganyan so nung naramdaman ko ‘yun parang may hindi na tama. Visible kasi siya that time, merong bukol na visible,” sambit niya.
Kaya na-surgery daw siya para alisin ang thyroid glands.
Kwento pa ng actress/TV host, “It was malignant and ang laki na niya. Kung hindi ko siya naagapan, posible talagang kumalat.”
Last April 2023 inamin ni Miles na may Papillary Thyroid Carcinoma siya.
Ayon sa emedicine.medscape.com, Papillary thyroid carcinoma (PTC) is “the most common form of well-differentiated thyroid cancer, and the most common form of thyroid cancer to result from exposure to radiation. Papillary carcinoma appears as an irregular solid or cystic mass or nodule in a normal thyroid parenchyma.”
“After my operation, may mga naiwan pang cancer cells, medyo kumalat so nag-radiation pa ako pero oral lang that time,” pagbabahagi pa niya.
Ngayon ay masayang ibinalita ng aktres na cancer-free na siya.
“I am cancer-free but ‘yun na nga maintenance for life, meds ko habang buhay na siya and dun na ako naka-base, kumbaga ‘yung weight ko rin dun na siya magbe-base kung tataba o papayat kasi every two months kailangan ko magpa-blood test para i-check kung ia-adjust ‘yung dosage.”
Ang greatest weapon ni Miles nu’ng time na yun, “Nung mga times na ‘yun na it was so uncertain, hindi mo alam kung anong mangyayari, just trust Him. Kapit ka lang sa kanya, talk to Him.”