Advertisers

Advertisers

PANIBAGONG TRANSPORT STRIKE IKINASA!

0 20

Advertisers

MULING magsasagawa ng malawakang transport strike ang grupong Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng transportasyon o mas kilala sa tawag na “Manibela” sa darating na Martes, Enero 16, 2024.

Sa pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ni MANILEBA president Mar Valbuena na ang nakatakdang transport strike ay bahagi parin ng kanilang patuloy na pagtutol sa implementasyon ng public utility vehicle (PUV) modernization program ng pamahalaan.

Ayon kay Valbuena, ang kanilang pagmamartsa ay sisimulan sa University of the Philippines (UP) Diliman sa Quezon City patungong Welcome Rotunda at Espanya Blvd., Sampaloc, Manila bago tumungo sa Mendiola, Maynila.



Ang Manibela ay may miyembrong 50,000 drivers at operators nationwide.

Inaasahan na hindi bababa sa 10,000 katao ang makikiisa sa naturang kilos protesta na lalahukan ng mga jeepney driver at operator mula sa Calabarzon at Central Luzon.



Bukod sa mga miyembro ng Manibela, inaasahan din ang pagdalo at suporta ng iba’t ibang student council mula sa ilang unibersidad at kolehiyo sa Metro Manila at ilang transport groups.

Nilinaw ni Valbuena na ang layon ng protesta ay upang iparamdam at manawagan sa gobyerno na palawigin pa ang prangkisa ng mga jeepney para maipagpatuloy ang hanapbuhay.



Nanawagan din ang grupo sa Korte Suprema na mapaglalabas ng kautusan – temporary restraining order (TRO) para sa PUV modernization.

Matatandaan na binigyan ng deadline ng Department of Transportation (DOTr) ng hanggang Enero 31, 2023 para pumasada ang mga jeepney, at huhulihin na ang mga ito kung magpapatuloy sa pamamasada kinabukasan, Pebrero 1, 2023, lalo na ang mga hindi nagpa-consolidate o sumali sa isang kooperatiba. (Almar Danguilan)