Advertisers
Sa mga hilakbo ng kaganapan, tila habang panahon na tayong bubulihin ng China partikular na sa pag-angkin ng ilan isla natin sa West Philippine Sea (WPS).
Hindi lang isa, dalawa kundi maraming beses na tayong hinamak at nilait ng mga ito sa sarili nating teritoryo lalo na ang mga mangingisda nating tahimik na pumapalaot sa sariling karagatan.
Maliban sa ating mga mangingisda, ilan beses na ring hinarang at pinagtabuyan ng mga Intsik ang ating mga coast guard at navy na wala namang ibang pakay kundi mai-hatid ang supply at pangangailangan ng ating mga kababayan sa isang isla.
Ilan beses na ring binomba ng water cannon, binangga at sinagi ang bangka hanggang sa gamitan pa ng high-power laser ang ating mga kaba-bayan na wala namang ibang nagawa kundi ang magkibit-balikat.
May isang situwasyon pang nangyari nang intensiyonal na banggain ng dambuhalang barko ng China ang bangka ng ating mga mangingisda na basta na lang iniwan sa laot ng lulutang-lutang.
Nito lamang Linggong ito, sinita ng mga ito ang ating mangingisda at kinumpiska pa ang mga huli nitong mga kabibe na para bang sila na ang lehitimong may-ari ng WPS.
Sa kabila ng ating ginagawang mapayapang dialago at walang kamatayang diplomatic protest, wala ring resulta at dedma lang China sa lahat-lahat.
Complete denial at kung anu-anong alibi lang ang itutugon sa lahat ng inquiry hinain sa kanila. Hangga’t maaari ay tayo pa ang pinapalabas na mali at sinisisi sa lahat ng kaganapan.
Wala ring nangyari sa pagkakapanalo natin sa tribunal court sa Hague na kung saan dinesisyunan ng nasabing korte na ang Pilipinas ang may hurisdiksiyon sa WPS.
Nguni’t ang lahat ng ito ay balewala lang sa China dahil sa hindi nito kinikilala ang nasabing korte at may sarili rin silang interpretasyon na sakop nila ang pinag-aagawang dagat.
Eh hanggang saan kaya hahantong ang isyung ito kung hindi tatanggapin ng China ang anumang resolution. Lumalabas na walang ibang hangad ang mga ito kundi ang mapasakanila ang WPS in hook or by crook.
SELOSONG NUMERO UNO RIN ANG MGA INTSIK
Tila seloso rin numero uno ang mga Intsik na ultimo pakikipagkaibigan natin sa ibang bansa ay hinahadlangan at pinapagbawal.
Dominanteng masyado ang mga ito hindi lang sa pag-angkin ng WPS kundi pati sa pakikipag-ugnayan sa ating mga kaalyadong bansa.
Ang situwasyon at akusasyong ito ay nag-ugat matapos na batiin ng ating Pangulong Bong-Bong Marcos ang bagong halal na Presidente ng Taiwan.
Dito parang sumama ang loob ng China na nag-wikang hindi dapat makialam ang Pinas sa eleksiyon sa Taiwan.
Sinabi ng China na mas una silang naging alyado ng Pinas at dapat na maging committed at panindigan hanggang sa huli ang “ONE PEOPLE REPUBLIC OF CHINA”.
Kung tutuusin ay wala namang ibang hangad ang ating Pangulong BBM kundi ang batiin ang bagong halal na Pangulo ng Taiwan na kung saan daan-daang libong mga Pinoy ang nagtratrabaho bilang mga domestic helper.
Hindi naman umano masamang makipag-kaibigan at makisama sa liderato ng Taiwan. Ito nga naman ay para rin sa kapakanan ng daan libo nating mga kaba-bayan na malaki rin ang na-ambag sa ekonomiya ng ating bansa.
Ito nga namang mga Tsinong ito na taga PRC na bukod sa mapaghangad ay super-sensitibo rin at balat-sibuyas pa tsk… tsk… tsk…
Sa laki ng inyong bansa ay nakukuha niyo pang magselos. Maski na sino sigurong bansa ay siguradong maiilang na kayo ay salingin lalo na ang Pinas dahil sa lakas ng inyong sandatahang lakas at kumpleto makinarya pa.
Hindi malayong habang panahon ay bulihin niyo ang Pinas dahil sabay-sabay lang kayong dumura ay baka lumubog na ang Pilipinas he… he… he…