Advertisers
BAGAMA’T malayo-layo pa ang midterm election, siyam na buwan pa bago ang filing ng certificate of candidacy, mainit nang pinag-uusapan ngayon ang pagbabalik sa Maynila ni ex-Mayor Isko Moreno, at ang pagpasok sa lungsod ni Senador Imee Marcos, ang super-ate ni Pangulong Bongbong.
Pero sabi ng mga marites, si Isko na mas popular ngayon sa tawag na “Yorme Kois”, ay tatakbo nalang daw Senador, ibibigay kay Imee ang Maynila, habang si current Mayor Honey Lacuna ay sa Kongreso.
Subalit marami ang nananawagang Manilenyo kay Kois na bumalik nalang sa Maynila kesa mag-Senado na walang constituent, huwag ibigay ang lungsod sa hindi naman tubong Maynila tulad ni Imee. Oo nga naman!!!
Kaso kung tatakbo uli na mayor si Kois at makakabangga niya si Imee, may talo siya sa mas makuwartang super-ate ni PBBM.
To play safe, malamang hindi nalang babanggain ni Kois si Imee, gayundin ang gagawin ni Honey. Kasi nga sa politika mahirap ang bumangga sa sister ng Presidente, baka ulanin ka ng mga kasong tahi-tahi. You know!!!
***
May mabigat ding makakabangga ang 1st termer congressman na si Ernix Dionisio, ang sumisikat na bilyonaryo sa Tondo na si Joseph Lumbad.
Mabangong mabango na ngayon sa Tondo 1 si Lumbad dahil napakadali nitong lapitan, habang pahirapan naman daw ang paghingi ng tulong kay Cong. Ernix. Araguy!!!
Say ng mga marites ng Tondo 1, nag-usap na sina Lumbad at ex-Cong. Manny Lopez. Susuporta nalang daw si Lopez sa pagpasok sa politika ni Lumbad. Tsk tsk tsk…malaki ang tulog rito ni Cong. Ernix.
Pero ang Dionisio ay nakatatak narin sa Tondo 1. Hindi ito nalalaglag sa No. 1 sa pagtakbong konsehal si Ernix bago siya umakyat ng Congress. Kaso kapag naging pera pera na ang labanan, mangangamote siya kay Lumbad. Peks man!
Si Lumbad ay dikit kay Kois, mas close sila kesa kay Dionisio. Kaya sure tayo na kay Lumbad si Kois. Yes!!!
***
Kung ako naman ang tatanungin, gusto ko bumalik si Kois sa Maynila as mayor.
Oo! Malaki ang naging development ng lungsod sa isang termino lang na pamamahala ni Kois, bago siya kumasa ng Presidente noong 2022.
Yun nga lang…mahirap banggain sa ngayon si Imee dahil pamilya nila ang hari.
Malamang ngang si Imee ang papalit kay PBBM after ng termino ng huli sa 2028. Kaya naman ang Duterte ay gumagawa ng gimik para rin mawasak ang kasalukuyan nilang kaalyado kuno na Marcos.
Subaybayan!