Advertisers
KINUM[IRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na naaresto ang dalawang Pilipino kaugnay ng kaso ng mag-asawang natagpuan ang bangkay sa kanilang bahay sa Tokyo.
Inihayag ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega na pinayagan ng Japanese authorities ang Philippine Embassy officials na bisitahin ang isa sa mga nadakip na Pilipino na inaakusahang inabandona ang bangkay ng mag-asawa sa kanilang tahanan.
“She is now in a pre-indictment detention, not yet indicted,” pahayag ni De Vega.
Naaresto ang Filipina nitong Biyernes nang matagpuang patay sina Norihiro Takahashi, 55; at asawang si Kimie, 52, sa kanilang tahanan sa Tokyo’s Adachi Ward.
Batay sa mga lokal na ulat sa Japan, nadiskubre ang mga bangkay na puno ng saksak at senyales ng panlalaban.
“Abandonment of a corpse meaning kapag nakita ka sa lugar na may patay and they cannot prove that you killed the person pero parang tinatago mo you might be charged,” paliwanag ni De Vega.
Aniya pa, hinihintay niya ang ulat ng Embahada nang bisitahin ang naarestong Filipino.
Kinumpirma rin ng DFA official na isa pang Filipino ang naaresto kaugnay ng parehong kaso.
“Today there was a Filipino male for the exact same reason. He is in the same vicinity so parang abandonment of corpse din ang case. They might have evidence against him, pero hindi natin alam if magkakilala sila or magkakuntsaba,” pahayag ni De Vega.
“Certainly, legal assistance will be given. If they need top-notch lawyers, we will provide that,” patuloy ng opisyal.