Advertisers

Advertisers

Buking! Rep. Duterte nakakuha ng P51b infras sa huling tatlong taon ng termino ng ama…‘SOBRA-SOBRA!’

0 33

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang distrito ni Davao City Representative Paulo “Polong” Duterte ay nakakuha ng P51 billion para sa “infrastructure projects” sa huling tatlong taon ng termino ng kanyang ama sa Malacañang.

Pinatotohanan ni DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral ang kumakalat na ulat sa social media sa television interview.

“Base sa report ng aming Programming Division, we confirm na yun pong mga amounts na nabanggit ninyo noong 2020, 2021, 2022, base po sa National Expenditure Program (NEP) ng DPWH at yun pong General Appropriations Act (GAA) sa distritong ito ay tama po and we confirm those budget,” sabi ni Cabral.



Ayon sa ulat, ang Malacañang ay humingi ng P4.6 billion na halaga ng infrastructure projects sa distrito ni Duterte para sa taon 2020. Pero ito ay nagdagdag ng P13.745 billion base sa 2020 General Appropriations Act (GAA).

Noong 2021, ang Malacañang ay humingi ng P9.67 billion pero ito ay naging P25 billion base sa national budget’s final version.



Sa huling budget na inihanda ng Duterte administration, P10 billion ang inilaan sa unang distrito ng Davao City. Ngunit ito ay naging P13.04 billion sa approved national budget.

Sinabi ng kasalukuyang House Appropriations Chairman, Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, na ang nakuhang pondo ni Rep. Duterte ay “unprecedented, sobra-sobra”.



Ang dapat na pondo sa infras ng bawat distrito ay P500 million hanggang P4 billion depende sa laki ng distrito.