Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA guesting ni Loisa Andalio sa Magandang Buhay, nag-share siya ng ilang detalye tungkol sa pagkakaibigan nila ni Kathryn Bernardo na ayon sa kanya ay inabot na ng walong taon.
Ayon sa girlfriend ni Ronnie Alonte, isa si Kath sa maituturing niyang tunay na kaibigan sa showbiz na kahit hindi sila palaging nagkikita nang personal ay napanatili pa rin nila ang kanilang espesyal na samahan.
“Kasi kami ni Kathryn nagkakasama lang kami kapag may event ang ABS-CBN, kapag may after-party,” sabi ni Loisa.
Sabi pa ng dalaga, super thankful siya na naging friend niya si Kathryn. Feel na feel daw niya ang kabaitan nito,”‘Yung totoong connection, mararamdaman mo.”
“‘Yung friendship kasi namin kahit hindi magka-text everyday pero kapag nagkasama kayo ‘yung true connection sa pagitan n’yo talagang mararamdaman mo.
“Low-key lang kayong dalawa, basta masaya lang kayo, nandoon ‘yung totoong bonding niyo. Genuine lang lahat ng usapan niyo kapag magkakasama,” sabi pa ni Loisa.
Sa katunayan, hindi pa raw sila magdyowa ni Ronnie nang mag-start ang friendship nila ni Kathryn.
Nag-explain din siya kung bakit wala silang masyadong litrato ni Kathryn sa social media, “Kasi hindi rin ako ma-picture-picture masyado.”
Paglalarawan pa niya kay Kathryn bilang kaibigan, isa itong good example sa mga kababaihan, “Nakaka-inspire si Kathryn kasama rin kasi inspirational talaga siya sa babae.”
“Feeling ko kaya gustung-gusto ako ni Kathryn kasi nga clown niya ako, aliw na aliw din siya talaga sa akin kaya feeling ko magugustuhan ka rin niya,” chika pa ni Loisa na ang tinutukoy ay ang isa sa mga host ng Magandang Buhay na si Melai Cantiveros.
***
SOBRANG nagpapasalamat at masaya si Janice de Belen na si Ariel Rivera ang naging asawa ng kanyang nakababatang kapatid na si Gelli.
Hindi raw kasi selfish si Ariel at talagang tumatayo na rin itong tatay sa kanyang mga anak bilang isa nga siyang single working mom.
Sabi ni Janice sa panayam sa kanya nI Karen Davila,”I am happy for her and I am thankful si Ariel ang asawa niya because si Ariel is not only good to her. He is good to us.”
Patuloy na chika ng actress-TV host, “Because when my mom passed, he was there, he helped us. We had somebody who was calmer than us.”
Noong naging mag-asawa raw sina Gelli at Ariel at nagkaroon ng mga anak, nag-e-effort din daw ang singer-actor para mapalapit sa kanyang mga anak.
“He was good to my kids. He never thought of them as anybody different. Ano rin siya parang tatay kung magsermon. Minsan tatanungin pa niya ‘ko, ‘Okay lang ba pagkakausapin ko (anak mo)?’ Sabi ko, go!’
“So for a really long time he was also a father-figure to my kids and I am really thankful for that. Kasi lagi kong iniisip kung iba ‘yung asawa ni Gelli, paki ba naman niya sa amin,” sey pa ni Janice.