Advertisers
Ni JIMI ESCALA
NAKATAKDANG magpakasal ngayong taon sina Bea Alonzo at Dominic Roque. Kaya nga ngayon pa lang daw ay super busy na ang magkasintahan sa paghahanda, huh!
Banggit ni Dominic ay ipinaubaya na raw niya halos lahat Kay Bea. Dagdag pa niya na mas tutok daw sa preparasyon si Bea na yun naman talaga ang ginagawa ng mga ikakasal na babae.
Hindi raw kasama sa iimbitahan nila ang aktor na si Daniel Padilla. Matandaang malapit na magkaibigan sina Dominic at Daniel pero nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa, huh!
***
AFTER nakitang magkasamang namili ng celphone with Gretchen Barretto ay sa aktres namang si Sunshine Cruz iniuugnay ang negosyanteng si Atong Ang.
May relasyon daw ngayon si Atong sa dating misis ni Cesar Montano.
May mga nakakita raw na magkasama sina Sunshine at Atong sa isang non-showbiz affair. Kumbaga, lumang isyu na raw yung Kay Gretchen Barretto, at isang Sunshine Cruz na raw ang karelasyon ng mayaman at kontrobersiyal na negosyante.
Kaya raw super blooming si Sunshine ngayon dahil sa karelasyon.
Agad namang itinanggi ni Sunshine ang naturang isyu bagkus natatawa na lang ang premyadong aktres
Dagdag pa ni Shine na matagal na raw ang naturang isyu kaya hindi na dapat ungkatin pa, huh!