Advertisers

Advertisers

SAGUPAAN NG SUGAPA

0 1,640

Advertisers

MARANGYANG buhay ang nagisnan ng kasalukuyang lider na binabato ng paratang ni Totoy Osla na ang gawa’y manlibak ng kahit sinong naibigan. Gintong kutsara ang gamit sa agahan, tanghalian at hapunan na larawan ng masaganang buhay. Subalit tunay na may katapusan ang lahat nang magkaisa ang bayan at pinatalsik ang mala haring ama na lider na ayaw ng bumaba sa pwesto’t kaginhawahan sa buhay na tinatamasa. Di batid ang hirap ng buhay ang noo’y bata at napapasakamay ang ano mang maibigan. Ngunit sa huling panahon ng ama sa pwestong tangan ‘di maipinta ang kalungkutan na parang pinagsakluban ng mundo na ‘di mawari kung saan tutungo. At sa paglisan sa tahanan na galing sa lakas ng bayan, hindi inalis sa isip na balang araw ay babalik muli upang ituwid ang pagkakamali, linisin at ibabangon sa kasaysayan ang ngalan na minsang kinilala sa mundo.

Sa paglisan sa lugar na kinalakihan at nagtungo kung saan, may bago at dating kakilala na kaulayaw ng ilang panahon na kaibigan ang tingin dahil sa kinalalagyan at kinasapitan. Sumakay at umayon sa nais ng mga bagong kakilala na naging daan sa bisyong dala hanggang sa kasalukuyan. Doon nagsimula ang ilang pagnanais sa bisyo na nakagaangan at naging hilig sa tuwi-tuwina. Mahabang panahon nakagiliwan ang bisyong nakilala na masasabing nakakahumaling na ‘di mabitawan. Sa takbo ng panahon, nabuhay sa labas ng lupang nilakihan ngunit ‘di nawala sa isip ang pagbabalik at sumpang paglilinis ng ngalan. At bumalik sa lupang kinamulatan at dahil mahal ng kababayan naging puno ng panlalawigan. O’ lubhang malilimutin ang Pinoy at nabigyan kagad ng pagkakataon na maglingkod bilang lider ng lalawigan at ng lumao’y kinatawang bayan. Sumubok sa laban na pangmalakihan subalit ‘di pinalad sa laban na pinasukan. Ngunit o sadyang tadhana, nakalapit sa nakilalang halal na lider mula sa Mindanao na mabalasik, pala mura, at may bisyong kahalintulad.

Umiinog ang panahon, naging malapit sa anak ni Totoy Osla at nagbalak sungkitin ang liderato na hawak ng katoto sa bisyo. Sa isang piging sinelyuhan ang balak ng pumayag ang anak ng dating lider na magbigay daan sa halip na makipag-agawan pwestong ibig ng ama. Sa pagpayag ng anak ni Totoy Osla at nagpaubaya sa anak ti’ Batac, naging mapait sa panlasa at masama ang loob sa pagbibigay daan sa sugapang batid ang karakas diablo. Sa pagiging tahimik ni Totoy Osla, lumakad ang ambisyon at na halal sa pinakamataas na pwesto sa pamahalaan. Subalit hindi nakatikim ng paggalang sa dati ang bagong lider dahil sa kabatiran na kinahuhumalingan. Sa paglipas ng taon pwestong tangan, walang mabuting pagbabago ang naganap sa relasyon ng dalawang lider. Paano ‘di magka jamming ang mga sugapa. O’ sadyang totoo ang paniniwala na ang mga magkakatulad ang tunay na magkalaban.



Sa patuloy na pag-upo panguluhan ni Boy Pektus, ‘di kumilos upang mapalapit sa ama ng kapareha sa halalan sa halip lumaki ang bitak ng relasyon ng ‘di ibig ipatupad ng una ang bigong laban sa droga. At sa totoo lang, maraming Pinoy ang nagbuwis buhay sa ngalan ng tamang hinala na gumagamit ng bawal na gamot. At ang dahilang ito ang susi sa pagpalit ng relasyon ng magkatoto dahil sa hindi ipinagpatuloy ang laban na ibig kuno ng dating lider. Sa pagtanggi at pagpihit sa ibang ibig, hindi tanggap ng dati ang uri ng pamamahala ng bagong liderato at nagsimula ang patutsada si Totoy Osla kay Boy Pektus. Sa pag-iba ng tindig ng bago sa laban sa droga, umugong na magbabalik ang International Criminal Court (ICC) na ipagpapatuloy ang pag-uusisa sa paglabag sa buhay ng mga biktima ng Extrajudicial Killing (RJK) na higit na ikinagalit ng dating lider sa kasalukuyan. Ramdam ni Totoy Osla na ihahain siya sa ICC upang magpabango gayung batid na nahuhumaling sa bawal na gamot ang kasalukuyang lider.

Sa huling tala ng kaganapan, isang kaalyado ni Boy Pektus ang naglalakad upang mapatagal ang kapit sa pwestong tangan na ikinagalit ng dating lider. Ibig ng kaalyado ng kasalukuyang lider na mag amyenda ang saligang batas. Sa pag-amyenda ng saligang batas, silip na ibig ni Waray Buot na mailayo ang pagkakataon sa anak ni Totoy Osla na masungkit ang liderato ng bansa. Subalit nabasa ng dating lider at nagpahayag ng laban sa kasalukuyang lider. Ang masakit tuwirang inusal na lulong sa bawal na gamot ang kasalukuyang lider. Sa pagbangit ng katagang lulong sa droga, tuwirang pinatid ang ugnayan kahit ‘di maganda sa kasalukuyang lider. Gayong walang tuwirang pag-ako sa kaganapan ng pag-amyenda sa saligang batas si Boy Pektus. Sa totoo lang, personalan ang dating ng pagkakasabi ng pagkalulong ni Boy Pektus sa bawal na gamot. At sinundan ng manifesto ilang dating kaalyadong opisyal ng sandatahan lakas na tutol sa pag-amyenda ng saligang batas. Habang sa kabilang banda, nagpahayag si Boy Pektus na sabog o high ang dating lider sa bawal na gamot kaya’t nasabi ang pahayag.



Lumaki ang bitak at nagsagupa ang mga sugapa sa maraming bagay, mula sa kapangyarihan, sa salapi at sa droga. Ang katahimikan sa nakaraan panahon ang tila pagkakamali na inaani sa kasalukuyan. Ang pagpihit ni Boy Pektus sa lihim na pakikipag mabutihan sa dating katunggaling senador ang bagay nagpalakas sa kaba ng dating lider. Masama ang loob ni Totoy Osla sa pagpapaubaya ng anak sa kapareha na ngayo’y nag-iba ng landas na sasagasa sa kanya’t sa IDG. Ang pagpapaubaya na pumasok at magpatuloy sa ginagawa ang ICC ang isa sa dalawang dahilan na kinagagalit sa kasalukuyang liderato. At ang una, ang pwestong tangan ni Inday Siba na ibig lusawin ni Waray Buot sa ngalan ng People’s Initiative kuno, silip ni Totoy Osla galaw ni Waray Buot. Sa pagsunog sa ugnayan ng dating magkakampi sa pahayag na pagiging sugapa ng sa droga ng kasalukuyang liderato, tila personalan ang laban at ‘d batikusan. Ang masakit ala na sa pwesto si Totoy Osla pahayag ang magagawa. Habang ang kasagupa’y kapit ang kapangyarihan at kaban.

Sa huling banda, ‘di nagpapatid ng relasyon si Inday Siba kay Boy Pektus at nagpapahayag ng pasasalamat sa tiwalang ibinibigay. Huwag magpakasiguro Mang Juan at maging mapagmatyag at baka zarzuela ang labas na sila-sila ang pagpipilian sa mga susunod na halalan. Hindi katiwa-tiwala ang mga sangkot sa sagupaan ng mga sugapa lalo’t iisa ang likaw ng mga bituka, ang manatili at magpasasa sa kapangyarihan at kabang bayan. Abangan sa darating na panahon ang kaganapan kung magpapatuloy ang galaw sa ICC, at dito masasabing tunay ang sagupaan ng mga sugapa.



Maraming Salamat po!!!