Advertisers

Advertisers

NAGKAUNAWAAN DIN

0 49

Advertisers

NAGKITA at nagpulong na ang mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict at ang UN Special Rapporteur on Freedom of Opinion and Expression na si Irene Khan, na narito sa Pinas para sa dalawang linggong pag-oobserba sa mga kaganapang hinggil sa freedom of opinion at expression.

Prinisenta ng NTF-ELCAC, kasama ang Anti-Terrorism Council ang kanilang mga accomplishments kay Khan, pati na ang mga hamon nitong hinaharap at ang kanilang diskarte paano ito resolbahin.

Dahil maikli lamang ang panahon ng kanyang pagbisita, nais sana raw ni Khan na maliwanagan pa sa iba’t ibang bagay gaya ng issue ng red-tagging.



Agad namang nilinaw ni NTF-ELCAC executive director Undersecretary Ernesto Torres Jr. na ang kataga o’ isyu ng “red-tagging’ ay hindi polisiya o’ pamamaraan ng pamahalaan para labanan ang sino mang may kinalaman sa komunistang-teroristang kilusan na CPP-NPA-NDF.

Aniya, ang red-tagging’ ay salita o’ katagang inimbento ng CPP-NPA-NDF para siraan ang pamahalaan, di lamang dito sa Pinas kung di maging sa mata ng ibang bansa.



Tama naman si Torres, kahit saan ka maghanap, di mo mahahagilap ang salitang ‘red-tagging’. Ito ay nanggaling mismo sa CPP-NPA-NDF na inimbento ang termino, upang mapahiya ang pamahalaan kapag ito ay may itinuturing na mga personalidad na may kinalaman sa kilusang komunistang-terorista.

Ipinangtapat ng CPP-NPA-NDF ang salitang ‘red-tagging’ sa NTF-ELCAC na nilikha para baguhin ang diskarte ng pamahalaan na mawala o matapos na ang mga pag-rerebelde sa bansa.



Naging epektibong instrumento ang NTF-ELCAC sa pagreresolba ng pinag-uugatan ng pagrerebelde – ang kahirapan. Sinulusyunan ng task force ang kahirapan sa mga kanayunan na dati’y di naaabot ng mga programa ng gobyerno at sa halip ay pinipeste pa ng mga CPP-NPA-NDF.

At least, naibahagi nila Torres kay Khan ang tunay na kulay ng red-tagging. At naunawaan naman ito ng ale mula sa UN.

Eh, kung mahaba-haba nga lang ang pagbisitang ito ni Khan, malamang ay malaman niya ang talagang kalagayan ng papanipis na papanipis na bilang ng CPP-NPA-NDF dahil lahat ng dati nilang mga miyembro at kahit na mga sympathizers ay tinalikuran na ang mali nilang idelohiya.