Advertisers

Advertisers

SUPORTA NG BANGSAMORO SA BAGONG PILIPINAS CAMPAIGN

0 57

Advertisers

Dahil sa isinusulong na Bagong Pilipinas campaign para sa pagkakaisa at pagbabago, nakatanggap ng buong suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa Bangsamoro Transition Authority (BTA) at Moro National Liberation Front (MNLF).

Sa isang kalatas, inihayag ni Bangsamoro Government Chief Minister Ahod Ebrahim ang kanyang matibay na suporta para sa tapat na pagpapatupad ng mga probisyon ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) tungo sa karapatan sa self-determination.

Aniya, ang CAB ay kinikilala ang katarungan at legitimacy ng layunin at pangarap ng Bangsamoro.



Bagama’t marami pang kailangang gawin, sinabi ni Ebrahim na malayo na ang narating ng mga partido sa CAB sa implementasyon ng mga bahagi nito na nakakabuti sa mga mamamayan ng Bangsamoro.

Pinasalamatan niya ang mga dati at kasalukuyang pangulo para sa kanilang kontribusyon sa mapayapang pagsasaayos ng Bangsamoro Question.



Sabi naman ni Atty. Suharto Ambolodto, isa sa mga miyembro ng BTA, sa ilalim ng Bagong Pilipinas campaign ay maaaring makamtan ang kapayapaan at kaunlaran sa pamamagitan ng pagkakaisa at katatagan.

Ayon kay Ambolodto, matagal nang taglay ng Bangsamoro ang kahirapan at takot dulot ng dekada ng armadong separatismo.



Subalit sa ilalim ng Bagong Pilipinas, ang BTA ay hindi lamang nagpasa ng prayoridad na batas kundi nagpapalakas din ng paghahatid ng mga serbisyong makakabuti sa rehiyon.

Sa kanyang panig, sinabi ni Gen. Carlito Galvez Jr. (Ret.), dating AFP chief of staff at kasalukuyang Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU), na ang Pilipinas ay maaaring makamtan ang kapayapaan, kaunlaran, at kasaganaan kung ang mga Pilipino ay magsasanib-puwersa para sa isang pambansang layunin.

Ang panawagan naman daw para sa paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas ay labag sa diwa ng Konstitusyon at nagiging hadlang sa mga prinsipyo ng isang bansang nakikinabang na sa mga biyaya ng komprehensibong peace process na siyang tumapos sa deka-dekadang kaguluhan sa rehiyon.

Sa totoo lang, ang pagsuporta sa Bagong Pilipinas campaign at sa layunin ng administrasyon Marcos para sa kapayapaan, reconciliation, at unity ay isang kolektibong responsibilidad ng bawat mamamayan.

Masasabi ring sa pagpili ng landas ng kapayapaan at pagkakaisa, mas mapagtatagumpayan naman natin ang mga hamon ng kinabukasan bilang isang nagkakaisang sambayanan.

***

Catch Gilbert Perdez’s “Barangay 882” radio show every Saturday from 4:00 PM to 5:00 PM. Tune in via ALIW Channel 23, DWIZ AM Radio, the DWIZ 882 Facebook page, or DWIZ ON-DEMAND on YouTube. You can contact him via email at gil.playwright@gmail.com or through this number: 0991-3543676.