Advertisers
Kulong ang isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) nang makuhanan ng mahigit P2 milyong halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation ng Caloocan PNP, nitong Lunes ng gabi.
Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD) chief P/Major Jeraldson Rivera ang naaresto na si alyas “Jun-Jun”, 43 ng 6th Avenue, 3rd St., Grace Park.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 310 grams ng shabu na may standard drug price value na P2,108,000.00, buy bust money, itim na bag, plastic envelope at isang motorsiklo.
Kasong paglabag sa Section 5 and 11 under Article II of R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002) ang isasampa nila laban sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)