Advertisers

Advertisers

Bigtime pusher, 1 pa timbog sa shabu

0 14

Advertisers

NATINBOG ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang tulak ng ilegal na droga, isa ay maituturing na bigtime, nang mahulihan ng P680,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa lungsod.

Sa ulat kay QCPD Director, Brig. General Redrico A Maranan, ni Lt. Colonel Jerry Castillo, hepe ng Batasan Hills Police Station 6, kinilala ang dinakip na sina Jay-R Dela Cruz, 37 anyos, kilalang big time drug pusher sa talaan ng QCPCD at residente ng Concepcion, Marikina City; at Jather Amador, 38, kabilang din sa talaan ng QCPD Street Level Individual (SLI), ng San Roque, Antipolo City.

Naaresto ang dalawa sa Livelihood Talanay, Area C, Brgy. Batasan Hills 1:30 ng madaling araw nitong Pebrero 4, 2024.



Nakuha sa dalawa ang 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000.00, isang cellular phone, at ang buy-bust money.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (Almar Danguilan)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">