Advertisers

Advertisers

Illigal na pasugalan sa Bulacan at NCR, patuloy

0 14

Advertisers

Hindi natatakot ang ilang mga sindikato ng illigal na pasugalan sa iba’t- ibang lalawigan at Kamaynilaan sa hanay ng kapulisan sa buong bansa.

Ayon sa nakalap na impormasyon hinggil sa talamak na illigal na sugal gaya ng loteng, EZ2, saklang patay, at iba’t-ibang uri ng pasugalan sa bayan ng Obando, Bulacan at sa kalakhang Maynila, partikular sa Quezon City.

Napag-alaman talamak di umano’y ang EZ2 at saklang patay nina Jonathan at ng kanyang tandem na si Toto sa lugar ng Catanghalan, San Lorenzo, Sampalukan, Pag-asa, sa bayan ng Obando, Bulacan.

Kumikita ng milyong piso kada araw ‘di umano ang illigal na pasugalan nina Jonathan at Toto na posibleng may basbas ‘di umano ng Mayor ng naturang lugar at nagbubulagbulagan ang pamunuan ng Regional Police Office 3 sa illagal na pasugalan.

Napag-alaman pa na nagsasagawa ‘di umano ang mga ito sa lungsod ng Quezon na sakop ng National Capital Region at pandaraya na tinatawag na Kampawan o Leegan ang illigal na sakla nina Jonathan, Toto, at Jun Pulo.

Posibleng hindi pa umano alam nina QCPD District Director PBGen. Redrico Maranan ang naturang illigal na pasugalan sa kanyang nasasakupan.

Nananawagan ang ilang mamamayan ng Obando, Bulacan at ilang religious group sa Quezon City na bigyan ng pansin ang talamak na pasugalan sa naturang lugar sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP).

Posibleng magsagawa ng masusing imbestigasyon ang tanggapan ni NCRPO PMaj. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr. at mahigpit na ipinatutupad nito ang “No Take Policy” sa buong pamunuan ng NCRPO.(Gaynor Bonilla)