Advertisers

Advertisers

CLARK MAGIGING SENTRO NG NEGOSYO, TURISMO — PBBM

0 38

Advertisers

PERSONAL na ininspeksiyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 20-kilometer Airport to New Clark City Access Road (ANAR) nitong Miyerkules, Pebrero 21.

Bagama’t natapos na noong Disyembre 2023, sa Hulyo pa inaasahang magiging ganap na operasyonal ito kapag natapos na ang mga bike lane, landscapes, at slope protection.

Inaasahang magiging mas mabilis ang paglalakbay mula sa iba’t ibang distrito ng Clark patungong New Clark City, na dating tumatagal ng isang oras, na mababawasan na lamang sa 20 minuto.



Walang babayarang toll sa paggamit ng access road na nagkakahalaga ng higit P8 bilyon.

Samantala, ibinida ni PBBM na may potensiyal ang Clark sa Pampanga na maging pangunahing sentro ng negosyo at turismo.



Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng pangulo ang ambag ng Clark sa ekonomiya at negosyo na maaaring maging isang “magnet of business.”

Kasabay nito, pinuri rin ng presidente ang ambag ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa pagbabago ng landas ng bansa bilang suporta sa pangarap ng administrasyon para sa isang Bagong Pilipinas.



Aniya, naglaan ang BCDA ng P59.71 bilyon para sa kagamitan, armas, sasakyan, barko, at mga istraktura na ginagamit ng Armed Forces of the Philippines (AFP). (Gilbert Perdez)