Advertisers

Advertisers

PBBM, nasa China para sa 2026 APEC Summit

0 13

Advertisers

DUMATING na sa Shenzhen, China si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules ng hapon para pangunahan ang partisipasyon ng Pilipinas sa 2026 APEC Summit.

Lumapag ang eroplanong PR 001 na sinasakyan ng Pangulo sa Shenzhen Bao’an International Airport dakong alas-5:30 ng hapon.

Ayon kay Marcos, gagamitin niya ang APEC bilang pagkakataon upang palakasin ang ugnayang pangkalakalan ng Pilipinas at makahikayat ng mas maraming dayuhang mamumuhunan.



Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng APEC sa pandaigdigang ekonomiya, dahil dito aniya nagmumula ang 61 porsiyento ng global GDP at 46 porsiyento ng kalakalan sa buong mundo.

Inaasahan din ni PBBM na makapulong ang iba pang lider at mga kinatawan ng business community upang mapalawak ang trade at investment opportunities ng bansa.



Samantala, tiniyak naman ni Marcos na isusulong sa mga pakikipagpulong ang mga kasunduang magbubukas ng mas maraming trabaho, magpapalawak ng access sa healthcare at magpapatatag sa ekonomiya para sa kapakinabangan ng bawat Pilipino.

“Our message is clear: the Philippines is open for business. Invest in the Filipino,” ani Marcos. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">