Advertisers

Advertisers

P22.9-B gastos sa ASEAN, kinuwestiyon ni Imee

0 8

Advertisers

KINUWESTIYON ni Senador Imee Marcos ang umano’y P22.9 bilyong nagastos ng Pilipinas sa pagho-host ng 2026 ASEAN Summit, at sinabing tila sobra ang halagang inilaan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at hirap na dinaranas ng maraming Pilipino.

“At the same time, the reported P22.9 billion expenditure for the Philippines’ ASEAN chairmanship raises serious questions of prudence and proportionality,” wika ni Marcos sa isang pahayag.

Kinilala naman ni Marcos ang mga diplomatikong tagumpay ng Pilipinas bilang ASEAN chair, kabilang ang paglagda sa ASEAN Digital Economy Framework Agreement, pagpapalakas ng regional power grid cooperation at kampanya laban sa online crimes.



Gayunman, sinabi ng senadora na mas inaasahan niya ang mas matinding pagkilos ng Pilipinas upang maisulong ang isang umiiral at epektibong Code of Conduct sa West Philippine Sea.

Dismayado rin umano siya na walang mas konkretong hakbang upang matigil ang kaguluhan at armadong labanan sa Myanmar.



“At a time when our economy continues to face significant challenges and many Filipinos struggle with the rising cost of living, such a substantial expenditure appears excessive and difficult to justify,” pahayag ni Marcos.

Binigyang-diin ni Marcos na mahalaga ang mga tagumpay sa diplomasya, subalit dapat ding isaalang-alang kung katumbas ng malaking gastusin ang mga benepisyong nakamit ng bansa.



Giit ng senadora, kailangang maging responsable sa paggamit ng pera ng bayan, lalo na sa panahong maraming Pilipino ang nahihirapang makaraos sa araw-araw.

Dagdag pa niya, “Diplomatic achievements are important, but they must also be weighed against the cost to the Filipino people.” (Mylene Alfonso)