Advertisers

Advertisers

CORDS NI GATCHALIAN

0 39

Advertisers

INIWAN saglit ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian ang kanyang pagiging kalihim ng kagawaran at ginampanan muna ang kanyang papel bilang Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) ng Central Luzon nitong nakaraang linggo.

Pinulong at pinangunahan ni Secretary Gatchalian ang lahat ng napapabilang sa Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) ng Region III o Central Luzon noong Huwebes sa Royce Hotel, sa Clark Freeport Zone, sa Pampanga.

Ito ay para pag-ibayuhin ang pakiki-isa ng mga tinatawag na stakeholders ng RTF-ELCAC sa rehiyon upang pangalagaan ang kapayapaan at kaunlaran sa Central Luzon.



Ang pagpupulong aniya, ay nagsisintabi muna sa kanilang mga posisyon bilang opisyal ng pamahalaan, kung di kasapi ng bawat komunidad sa rehiyon. Ito ang tunay na layunin ng pagtatatag ng pamahalaan sa pangunguna ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict ng mga RTF-ELCAC na pinamamahalaan naman ng CORDS.

Sa ganitong paraan kasi, nagsasama-sama ang lahat ng sangay ng pamahalaan at mga kinatawan ng bawat lugar sa bawat rehiyon upang labanan ang paghari-harian ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.



Malinaw namang basag na ang pwersa ng CPP-NPA-NDF sa Central Luzon, kung di man, ay katiting na lamang ng bilang nito ang natitira. Kaya naman kinakailangan magsama-sama ang lahat para bigyan daan ang kapayapaan at kaunlaran sa lugar.

Sabi nga ni Secretary Gatchalian sa pulong na iyon, mahalaga ang pakiki-isa ng lahat sa rehiyon upang di na maka-pormang muli ang CPP-NPA-NDF na matagal nang nanggugulo di lamang sa rehiyon kung di sa buong bansa.



Ang pagpupulong ng RTF-ELCAC ang plataporma ng bawat sangay ng pamahalaan upang ilahad ang mga plano nitong programang pang-kaunlaran para sa rehiyon at maiangat ang antas ng kabuhayan ng mga residente nito, upang di na muling makukop ng mga komunistang-terorista.

Dangan kasi, laging kahirapan ang isinisigaw na kadahilanan nitong CPP-NPA-NDF. Kung maipapakita ng pamahalaan ang malasakit nito sa pamamagitan ng RTF-ELCAC na pinamumunuan ng CORDS, wala ng poporma pang gaya ng CPP-NPA-NDF.

Mabuhay ka Sec. Gatchalian! Ikaw ang tunay na ehemplo ng CORDS. Sana lahat ng Cabinet Secretary na itinalagang CORDS sa kani-kanilang mga rehiyon ay maging gaya mo Sir.