Advertisers

Advertisers

‘BOMB JOKER’ NA AMERIKANO, NAKALABOSO

0 31

Advertisers

INIULAT ng Civil Aviation Authority of the Philippines- Laguindingan Airport na isang dayuhan ang nakakulong matapos gumawa ng bomb joke habang sakay ng flight sa Laguindingan, Misamis Oriental noong Martes, February 20.

Ipinahayag ni Laguindingan Airport Manager Job De Jesus na ang flight DG 6723 mula Mactan-Cebu, na may lulan na 73 pasahero ay nakarating na bandang alas- 9:45 ng gabi at nakaparada sa Laguindingan Airport.

Sa proseso ng pag-disembarkasyon, tumayo ang isang US citizen para kunin ang kanyang bagahe at gumawa ng pananakot na “Kaya kong barilin kayong lahat, at maaari kong palitawin ang bomba.”



Ang insidenteng ito ay agad na iniulat sa Control Tower. Kasunod nito, nagsagawa ng K9 paneling ang PNP-Aviation Security Unit at CAAP Security and Intelligence Unit at sinuri ang lahat ng bagahe ng mga pasahero, na pawang walang indikasyon ng mga bomba.

Ang suspek ay inusisa ng PNP-AVSEU at kasalukuyang nakakulong sa PNP headquarters ng Laguindingan Airport para harapin ang kaukulang kaso.



Samantala, pinaalalahanan ng Airport Manager na si Job De Jesus ang mga manlalakbay sa himpapawid tungkol sa abala na dulot ng paggawa ng mga bombang biro, “Palagi naming binibigyang-diin sa mga pasahero at gumagamit ng paliparan na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibiro o paggawa ng bomba sa paliparan o sa eroplano. Ang sinumang mahuhuli ay mahaharap sa mabibigat na kaso, kabilang ang kaukulang parusa at pagkakulong.” Sinabi ni De Jesus.

Pinarurusahan ng Presidential Decree No. 1727 ang mga bomb joke na may parusang pagkakakulong na hindi hihigit sa limang (5) taon, o multa, o hindi hihigit sa apatnapung libong piso (P40,000.00). (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">