Advertisers

Advertisers

17-anyos na anak ng amo, guilty sa pamamaslang sa OFW sa Kuwait

0 6

Advertisers

PINAGTIBAY ng Kuwaiti appellate court ang hatol na ‘guilty’ sa pumaslang sa overseas Filipino worker (OFW) na si Jullebee Ranara.

Ito ang iniulat ng Department of Migrant Workers makalipas ang halos limang buwan mula nang makulong ang salarin sa kaso, na anak mismo ng kaniyang mga among pinagtatrabahuhan sa naturang bansa.

Ayon kay DMW officer in charge Hans Leo Cacdac, naipaalam na nila ito sa pamilya ni Ranara.



Kasabay nito, tiniyak din ng opisyal sa naulilang kaanak ni Ranara na magpapatuloy ang pagpapaabot na tulong at suporta ng ahensya sa kanila bilang pagtugon narin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Samantala, kaugnay nito, agad din na ipinag-utos ni Cacdac sa Migrant Workers Office sa Kuwait na makipag-ugnayan sa retained legal counsel ng kagawaran para sa paghahain ng civil action for damages laban sa ama ng salarin.

Matatandaang kalunus-lunos ang sinapit ni Ranara sa kamay ng 17-anyos na anak ng kaniyang amo matapos itong gahasain, paulit-ulit na sagasaan, sunugin at abandonahin sa isang disyerto sa Kuwait.