Advertisers

Advertisers

‘Tanim granada’ ng mga pulis sa Nueva Ecija paiimbestigahan

0 152

Advertisers

HINDI pa nga nakakaahon sa kontrobersiya ng “tanim baril” at pang-eeskoba ng P31.6 milyon sa isinagawang raid ng Philippine National Police sa Paranaque City noong Setyembre, nahaharap na naman sa malaking sakit sa ulo ang organisasyon kaugnay sa diumano’y ginawang “tanim granada” ng mga pulis sa Cabiao, Nueva Ecija.

Nanawagan ng malalalimang imbestigasyon sa Kongreso at sa pamunuan ng PNP ang pamilya ni Noel Montano nitong Huwebes, na mas kilala sa social media bilang si “El Tarik” matapos itong harasin ng mga kasapi ng Cabiao Police dahil sa patuloy nitong pamumuna sa pamamahala ng papaalis na mayor ng bayan na si Engr. Ramil Rivera.

Ayon sa mga impormante, inutusan ni Rivera ang hepe ng Cabiao na si Major Shariel Paulino na isagawa ang isang “search warrant” sa bahay ni Montano sa Barangay San Fernando Norte kungsaan nagtatago umano ito ng isang kalibre 9MM na baril.



At sa dahilang wala talagang pag-aaring baril si Montano, ikinagulat ng lahat nang ideklara ng mga pulis na may natagpuang granada sa bahay niya.

Kasalukuyang nakakulong si Montano sa kasalanang hindi nito ginawa kung kaya’t pinaplano ng kaniyang pamilya, tagasuporta at mga abogado na manawagan ng mas malalim pang imbestigasyon para panagutin ang mga Cabiao Police sa pangunguna ni Paulino sa naturang raid.

Nanawagan ang pamilya ni Montano kina P/Col. Richard Caballero, at Central Luzon Police Director, Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., na hukayin ang katotohanan at kung ‘di ay mapipilitan silang manawagan din sa Kongreso o’ kaya’y kay Sen. Raffy Tulfo.

Sa kaniyang huling FB post matapos siya ay iligal na arestuhin, isinaad ni Montano na “naset-up ako, huling post ko muna ito, makipag-ugnayan sa aking mga kapatid. At mga pinsan. Paalam muna. Matagal tagal na laban ito.”

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">