Mayor Honey, nanguna sa observance ng Fire Prevention Month
Advertisers
PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang observance sa Fire Prevention Month nang may panawagan sa mga residente na maingat na bantayan ang mga bata at mga matatandang naiiwan sa bahay habang may mga nakasinding kandila o stove, naka-plugged na appliances at naka-charged na cellphone na maaaring pagsimulan ng sunog.
Sa regular na flagraising ceremony nitong Lunes kung saan ang Manila Fire Department (MFD) sa pangunguna ni Supt. Christine Doctor-Cula ang host, ipinahayag ni Lcuna ang kanyang pasasalamat at komendasyon sa MFD at sa kanilang katuwang sa pagtulong sa lungsod tuwing may insidente ng sunog.
Partikular na binanggit ng alkalde ang mga miyembro ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa pamumuno ni director, Arnel Angeles at pati na ang iba’t-ibang different grupo ng fire volunteers na katuwang ng MFD sa tuwing may insidente ng sunog sa lungsod.
Ayon kay Lacuna, ang MFD, MDRRMO at fire volunteers ay ‘di lamang nagsisilbi kapag may sunog kundi sa tuwing may kalamidad rin o iba pang emegency situations tulad ng road accidents.
Samantala, nanawagan si Lacuna sa mga residente na turuan ang mga bata at matatanda kung paano i-exercise ang necessary precaution at safety measures sa paggamit ng appliances para di ito pagmulan ng sunog.
“Turuan po sana natin ang ating mga anak at ating senior citizens.. palagi po natin silang antabayanan kasi minsan ay nakakalimutan po nila o naiiwang bukas ang ibang kagamitan kaya mag-ingat tayo,” ayon sa lady mayor.
Sinabi ni Lacuna na bago pa ang Fire Prevention Month, marami ng sunog ang nagaganap sa lungsod at iba pang parte ng Metro Manila.
“Kaya naman ganoon na lamang ang aking pasasalamat sa Manila Fire Department sa lahat-lahat ng kanilang ginagawa. Kung minsan, dalawang magkasabay o kaya sunod-sunod na araw sabay-sabay, pero parang di sila napapagod. Kahit alam nila kung gaano kadelikado, sugod pa rin sila nang sugod. Ganyan nila pinahahalagahan ang buhay at ari-arian ng bawat isang Manilenyo,” giit ni Lacuna.
Sa kanyang pagbibigay komendasyon sa MFD, binigyang pagkilala din ni Lacuna ang MDRRMO teams at the fire volunteers na laging katulong ng MFD sa kanilang firefighting at emergency response .
“Saludo po ako sa inyong lahat at ‘wag po sana kayong magsasawa na kami ay alagaan at proteksyunan lalo na sa mga sakuna,” sabi pa ng alkalde. (ANDI GARCIA)