Advertisers

Advertisers

Karnaper, huli sa checkpoint sa Valenzuela

0 11

Advertisers

Naaresto ng Valenzuela PNP ang isang water delivery boy sa isinagawang Oplan Sita habang sakay ng isang karnap na motorsiklo sa Valenzuela City, Huwebes ng hapon.

Sa ulat ni PSSg Julius Congson kay Valenzuela Police Chief P/Col. Salvador Destura Jr., nasa aktong nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ ang mga tauhan ng Polo Police Sub-Station 5 sa kahabaan ng M.H. del Pilar corner M. Hernandez Street, Brgy. Mabolo nang parahin nila ang isang pulang Honda Click motorcycle na minamaneho ng isang lalaki 2:50 ng hapon.

Nang magsagawa ng beripikasyon ang pulisya, napag-alaman na ang nasabing motorsiklo kinarnap habang nakaparada sa Nepa Street corner Buendia Street, Tondo, Manila, 2:55 ng Huwebes ng madaling araw.



Sa pakikipag-ugnayan ni P/Cpt. Santos sa Raxabago-Tondo Police Station (PS-1) at nang dumating sina PCpl Edgardo Magno Jr at Pat Cris Anocop ay positibo nilang kinilala ang nagmamaneho ng nasabing motorsiklo na si alyas ‘John Rey’, 20 ng Gagalangin Tondo, Manila na siyang tumangay sa subject motorcycle na naging dahilan upang arestuhin siya ng mga pulis.

Matapos ang proper documentation, ang suspek at ang nasabing motorsiklo ay tinurn-over na kina PCpl Magno at Pat Anocop para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban kay ‘John Rey’.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">