Advertisers

Advertisers

3 Katao nalitson ng buhay sa sunog sa Bulacan.

0 21

Advertisers

Nasawi ang tatlong katao kabilang ang isang bata sa nangyaring sunog sa Akilan Scrap Trading sa no.9 R Soriano St., Brgy Libtong sa lungsod ng Meycauayan.

Sa report na tinanggap Pro3 Regional Director PBGen. Jose S Hidalgo Jr. kinilala ang mga namatay na sina Artemio Ines Jr. 40; Chrestina Ababin ,40. kapwa stay in production worker; at isang 7 taong gulang na batang babae na nakilalang si Angel Ines.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng BFP at PDRRMO nangyari ang sunog sa isang warehouse, ganap na 1:00 ng madaling araw ng Marso 8, 2024.



Nabatid na umabot sa unang alarma ang sunog na ikinasawi ng 3 katao,samantala ideniklarang fire out ang sunog ganap na 3:28 ng umaga.

Samantala patuloy na inaalam ng mga taga-pamatay sunog kung ano ang naging sanhi ng sunog.(Thony Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">