Advertisers

Advertisers

2 traffic enforcers tinadtad ng bala ng tandem

0 4

Advertisers

NASAWI ang dalawang kilalang masipag at tapat sa tungkulin na municipal traffic enforcers nang pagbabarilin ng riding in tandem sa Barangay Campo Muslim sa Malabang, Lanao del Sur noong Huwebes.
Sa mga hiwalay na ulat ng local executives at ni Captain Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, parehong on-duty sina Samar Marohom at Jamael Talib sa isang bahagi ng highway sa Barangay Campo Muslim nang may lumapit sa kanila na dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo at agad silang pinagbabaril ng .45 at 9 millimeter pistols.
Parehong dead on arrival sina Marohom at Talib sa Doctor Serapio Montañer Hospital sa Malabang.
Ayon kay Salanguit at sa mga opisyal ng Lanao del Sur Provincial Police Office, may teorya ang local executives sa Malabang na may kaugnayan sa mahigpit at masigasig na pagpapatupad ng dalawang biktima ng traffic ordinances sa kanilang bayan ang pagpaslang sa kanila.