Advertisers

Advertisers

2 kasambahay ‘bantay-salakay’

0 17

Advertisers

KULONG ang dalawang kasambahay nang pagnakawan ang kanilang amo ng P5 milyong halaga ng mga alahas habang nagbabaksyon sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Ernesto Baria, 44 anyos, boy/helper; at Elena Suba, 53, housemaid at kapwa stay-in sa Urtola St., Villa Vienna Village, Neopolitan, Brgy. Greater Lagro, ng nabanggit na lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Emmanuele Guting ng QCPD- Pasong Putik PS-16, nangyari ang pagnanakaw mula Marso 8 hanggang 11 sa bahay ni Mark Erwin Munoz, 38, isang negosyante.

Sa pahayag ni Munoz, umalis sila ng kanilang pamilya at nagtungo sa kanilang resort Marso 8 hanggang sa dumating sila ng Marso 11.

Nadiskubre ng 16-anyos na anak ng biktima na bukas ang vault at nawawala ang mga alahas.

Agad na kinuwestiyon ang mga suspek subali’t todo tanggi sila sa insidente.

Nagpasya na silang halughugin ang gamit ng suspek na si Suba at nakita ang isang diamond ring na nagkakahalaga ng P750,000 at ang nawawalang mga alahas sa gardening gloves sa isang eco bag.

Sa report, isang buwan pa lang na naninilbihan sa biktima ang mga suspek.

Nahaharap ang dalawang kasamahay sa kasong Qualified Theft sa Que­zon City Prosecutor’s Office.