Advertisers

Advertisers

PABAON KAY GEN. ACORDA, MULA SA GAMBLING PAYOLA?

0 87

Advertisers

Apat (4) na linggo bago pa man bumaba sa puwesto o magretiro itong si PNP chief,General Benjamin Acorda Jr., umaabot ng dalawang milyon (2M) kada puwesto ng pergalan ang kinukuha sa mga peryante (perya operators) sa probinsya ng Laguna at Batangas.

Kaya ba walang tinag at hindi kayang ipatigil ng mga provincial director (PD) ng probinsya at ng mismong regional director (RD) na si PBGen. Paul Kenneth Lucas ang mga sugalan sa kanyang Area of Responsibility (AOR) ay dahil direktang utos mula sa opisina ni chief PNP ang order na largahan ang mga iligal na sugal bilang tradisyunal na pabaon sa magreretirong heneral.kahit na nga nakaabot pa sa Senate ang problema ng payola ng kapulisan?

Pinagmamalaki kasi ng mga peryante na kaya sila nananatiling bukas ay para sa pabaon kay Gen. Acorda. Ito ang palagiang bukang- bibig ng mga puwesto sa Laguna dyan sa may Sta Rosa, Biñan, Cabuyao, Calamba, Los Baños, Bay, Calauan, San Pablo, Pila, Victoria, Sta Cruz, Paete, Lumban at Pagsanjan.



What the fuck!

Kung 2 million pesos kada puwesto ang binibida nitong mga kolokoy na ito dyan palang sa Laguna, aabot ng 30milyones ang pabaong inaasan ni Gen. Acorda! Hindi na masama para sa isang paretirong heneral di po ba?



Hehehehehe walastik!

Pakapalan na lamang ba talaga ng mukha?



Eh paano pa kaya ang sa probinsya ng Batangas na halos nag dadalawang puwesto sa bawat bayan?

D’yan na lamang sa Lipa City, Sto Tomas, Malvar, San Pascual, Talisay, Tanauan, Batangas City, Bauan, Matabungkay, Calaca, Alitagtag, Calatagan, Cuenca, Banay-banay, San Jose, Lian, Lemery, Taal, San Juan, halos lahat ng bayan sa Batangas merong mga pergalan.

What the hell!

Lintik na pabaon yan!

Dalawang Probinsya pa lamang yan sa Region 4A, wala pa dyan ang mga probinsya sa Region 3, 2, 1 at iba pang probinsya sa mga rehiyon.

Nagiging usap-usapan na lamang tuwing may bababang heneral sa Crame?

Alam kaya ni Gen. Acorda itong binibida ng mga peryante sa Laguna at Batangas?

Kapag hindi napatigil ang mga nabanggit nating lugar na may mga iligal na sugalan, alam na ang kasagutan!

Hehehehehe!

When money talks talaga everybody listen, kahit na yung mga nagpapasanto ay talagang madedemonyo!

Sa perya pa lamang ‘yan mga ka-tropa,wala pa dyan yung sa tengwe (jueteng),STL, online sabong at iba pang uri ng iligal na sugal!

Wow!

Sana all!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com