Advertisers

Advertisers

FPJ’s Ang Basketball Team!

0 54

Advertisers

Alam nyo bang may isang basketball team si Fernando Poe Jr noong late 60s?

Oo isang koponan ng mga artista na madalas makasama ni Da King sa mga pelikula niya ang naglalaro ng mga exhibition game sa iba’t ibang lugar.

Si FPJ ang tumatayong manager-coach siyempre Ang mga pambato niya ay ang Diaz Brothers na sina Paquito at Romy na nagdribol din para sa FEU Tamaraws. Nandiyan din ang kapatid niyang si Andy Poe. Pati mga bida na sina Robert Arevalio, Jess Lapid, Vic Vargas at George Estregan nasa grupo. Siyempre mga kontrabida ni Ronnie na sina Victor Bravo at Robert Talabis Jr ay kabilang din. Ang mga Salvador na sina Ding, Jumbo at Lou Jr ay kakampi rin nila. Si Jumbo Salvador nakapasok later sa Meralco Reddy Kilowatts sa MICAA. Muse nila si Amalia Fuentes.



Noong 70s si Tirso Cruz III na kaka-resign lang sa Film Development Council of the Philippines bilang pinuno ay nagtayo rin ng cage squad ng mga kaibigan na ka-edad niya.

Teka si Coco Martin kailan kaya gagayahin ang idolo niya na sobrang hilig sa paborito nating sport. Tiyak lalong kagigiliwan ng mga tagahanga niya kung may basketball team din ang star-producer ng Ang Batang Quiapo.



May sentro na sila na magdadala ng koponan sa opensa at depensa sa katauhan ni Mark Andaya na produkto ng Letran Knights.

***



Ang malaking bentahe na si Tim Cone na coach ng Gilas Pilipinas bukod sa talagang mahusay ay mas maraming player ang nais maglaro para sa kanya kung ikukumpara sa dati.

Si Japeth Aguilat na magretiro na sana sa pambansang koponan ay OK agad pagtawag sa kanya ng winningest na bench tactician sa PBA.

Nagkulang kasi sa big men dahil may injury si AJ Edu kaya pinakiusapan si Aguilar.

Tapos si Jordan Heading na huling nagdribol para sa Japan B-League ay nagpasabi na naghihintay lang siya ng tawag.

“ If Coach Tim needs me for the Ph squad, I am available,” wika ng 6’2 na Fil-Aussie.

***

Kahit mapantayan ng LA Lakers ang kartada nila noong isang taon na 43-39 ay hindi pa rin good enough sa dating 7th place sa Western Conference ng NBA. Mangyari mas masikip ang labanan ngayon. Sa huli nilang 15 na game ay 7 panalo lang at equal na nila ang standings nila noong 2022-23. Kaso mas matindi ang pukpukan ngayon para maging numero siyete muli o makaakyat pa sa pang-anim para iwas play in.

\Ngayon na 36-31 sina LeBron James ay makakasalya pa sila ng 2/3 na W upang gumanda ang pag-asa.