Advertisers

Advertisers

4 sundalo patay sa ambush

0 69

Advertisers

Napatay ang apat na mga kasapi ng 40th Infantry Battalion ng mga teroristang Dawlah Islamiya sa ambush sa isang liblib na barangay sa Datu Hoffer, Maguindanao del Sur nitong Linggo ng umaga, March 17, 2024.

Kinumpirma ni Major Gen. Alex Rillera, commander ng 6th Infantry Division, at ni Bangsamoro regional police director Brig. Gen. Allan Nobleza ang insidente na nagresulta sa pagkasawi nila Pvt. Marvin Dumaguing, Pvt. Jessie James Corpuz, Pfc. Carl Araña at Cpl. Creszaldy Espertero.

Sa ulat, magkasama sa isang sasakyan ang apat na mga sundalo, kasama ang iba pang mga ka-tropa sa 40th IB na sakop ng 6th ID, patungo sa kanilang company command post nang tambangan ng mga teroristang Dawlah Islamiya na nakaabang sa gilid ng kalye sa isang liblib na bahagi ng Barangay Tuayan sa Datu Hoffer.



Agad na tumakas ang mga nag-ambush sa mga biktima ng mapansin na may papalapit sa kanila na police at mga sundalo na nag-responde sa insidente.

Ayon sa mga residente ng Datu Hoffer, posibleng ganti ng mga terorista ang pag-ambush sa Barangay Tuayan sa pagkapatay ng mga sundalo ng 11 na mga miyembro ng Dawlah Islamiya sa isang engkwentro nito lang November 2023 sa isang bulubunduking lugar sa naturang barangay.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">