Advertisers

Advertisers

1 MILYON PASAHERO SA NAIA, INAASAHAN ANG PAGDAGSA SA HOLY WEEK 2024

0 49

Advertisers

NAGHAHANDA ang Manila International Airport Authority (MIAA) para sa pagdagsa ng mahigit 1 milyong pasahero pasahero sa darating na Semana Santa sa pamamagitan ng “OPLAN Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024,” mula Marso 24 hanggang Marso 31 sa apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport.

Inaasahan ni MIAA General Manager Eric Ines ang pagtaas ng 15% sa dami ng pasahero sa Semana Santa ngayong taon kumpara sa 926,755 na pasaherong dumaan sa NAIA mula Linggo ng Palaspas hanggang Linggo ng Pagkabuhay noong nakaraang taon.

Sa unang 14 na araw lamang ng Marso 2024, ang bilang ng mga pasahero ay umabot na sa 1,853,132, mula 128,000 hanggang 138,000, na may daily average na 132,367. Para sa Holy Week ngayong taon, ang trapiko ng pasahero ay maaaring umabot sa 140,000 sa isang araw, o malapit sa pre-pandemic Lenten season, na nakapagtala ng 1,126,501 pasahero sa loob ng walong araw, na may average na 140,812 araw-araw.



“Our domestic operations, in particular, have been consistently surpassing pre-pandemic flight movement and passenger volume. We anticipate travelers taking advantage of exploring local destinations, the ease and convenience of air travel, summer airline promotions, or simply vacationing and being with family during this time,” ani Ines

“Kami ay handa para sa pagdagsa na ito sa aming mga terminal, lalo na’t ang Semana Santa ay kasabay ng tag-araw, sa kasaysayan ay isang peak season para sa paglalakbay sa himpapawid,” dagdag niya.



Tinitiyak ng airport chief ang sapat na manpower, equipment kagamitan at working condition sa pagtatrabaho para sa mga amenity at pangunahing pasilidad, kabilang ang critical airport utilities at backup system.

Bukod dito, pinayuhan ng MIAA ang mga airline, partikular ang mga local carriers na magtatag ng mga help desks sa loob ng kani-kanilang lugar. Nakahanda rin ang Civil Aeronautics Board (CAB) at iba pang may kinalamang ahensya ng gobyerno na magbigay ng tulong sa mga pasahero sa kani-kanilang help desk sa mga terminal.



Nagpapatuloy ang koordinasyon ng MIAA sa PNP Aviation Security Group, local government units ng Pasay at Parañaque, at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko sa mga lansangan patungo at pabalik sa mga terminal ng paliparan. (JOJO SADIWA)