Advertisers
Sugatan ang limang katao sa sunog na tumama sa isang residential area sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City nitong Huwebes.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) na nagsimula ang sunog ng 8:58 ng umaga at umabot pa sa ikalawang alarma ng 9:02 ng umaga.
Idineklara naman ng mga bumbero na fire out ng 9:47 ng umaga.
Inaalam pa ang dahilan ng sunog at ang halaga ng pinsala sa ari-arian.