Advertisers

Advertisers

NU tinulak ang Ateneo sa bingit ng eliminasyon

0 7

Advertisers

TINULAK ng National University ang Ateneo de Manila University sa bingit ng eliminasyon,25-22,25-16,25-15, wagi sa UAAP Season 86 Women’s Volleyball Tournament sa SM Mall of Asia Arena Miyerkules.

Umangat ang Lady Bulldogs sa 9-2 sa kanilang apat na sunod-sunod na tagumpay, at mapanateli sa third place sa likuran ng University of Santo Tomas (10-1) at De La Salle University ( 9-1) sa karera para sa twice-to-beat incentives.

“Happy ako sa nagiging performance ng team namin kasi nakikita namin na pataas kami and nakikita namin yung goal pagdating sa performance na hindi dapat kami nagiging complacent at lagi dapat kaming may pinanghuhugutan para makuha yung panalo,” Wika ni NU outside spiker Alyssa Solomon, na umiskor ng 23 points on 19-of-28 attacks at four aces.



Matapos ang mabagal na simula ang Blue Eagles ay angat sa 9-5, ang Lady Bulldogs ay binaliktad ang momentum para itakda ang 25-22 first set win at hindi na lumingon pa, tinapos ang laro sa straight sets.

Vange Alinsug umiskor ng 15 points para sa NU, at tinapos ang laro sa 90 minuto hatawan kahit na si Bella Belen ay nalimitahan sa two points.



“I think yung natutunan namin from first round loss sa La Salle ay yung grit namin, doon talaga makikita kung gaano talaga namin kagusto manalo at kailangan talaga mailabas yung puso namin sa game” Tugon ni team captain Erin Pangilinan para sa Lady Bulldogs na nag shift ang kanilang focus sa mahigpit na karibal na La Salle, na kanilang makakaharap sa Linggo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">