Advertisers
ITO na!
Siguradong uusok na naman ang tumbong ni dating Pangulo “Digong” Duterte sa naging pahayag ni Pangulong “Bongbong: Marcos, Jr, hinggil sa nabunyag niyang “secret deal” o “gentleman’s agreement” sa China.
Nitong Miyerkoles ay sinabi ni President Marcos, Jr. na siya’y “horrified” o nasindak sa ideya ng pag-give up sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea bilang bahagi ng “compromise deal” kasunod ng mga ulat na ang kanyang predecessor na si Digong ay mayroong “gentleman’s agreement” sa China na may kinalaman sa erya.
Inamin ni Marcos Jr. na wala siyang alam tungkol sa nasabing kasunduan. Wala naman aniya itong rekord, at hindi siya sinabihan tungkol dito nang maupo siya sa puwesto sa Malacañang.
“Kung ang sinasabi sa agreement na ‘yan na kailangan tayong magpermiso sa ibang bansa para gumalaw sa ating sariling teritoryo, ay mahirap sigurong sundan ‘yung ganyang klaseng agreement. I am horrified by the idea that we have compromised into a secret agreement the territory, the sovereignty, and the sovereign rights of the Filipinos,” sabi ng Pangulo sa mga reporter sa San Juan.
Aniya, sinsubukan niyang linawin ang isyu dahil ang mga opisyal ng Duterte administration ay magkakaiba ang mga sinasabi tungkol sa bagay na ito.
Gusto ng Pangulo na mismong si Chinese Ambassador Huang Xilian ang lilinaw sa bagay na ito o kung sino sa China ang magsalita ukol dito.
“Was this an official thing or was it a personal thing? Ano ba ito? Dahil wala kaming rekord,” sabi ni Pangulong Marcos Jr.
Magugunita na sinabi dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque na mayroong gentleman’s agreement sa China para mapanatili ang “status quo” sa West Philippine Sea, pero walang specific agreement tungkol sa Ayungin Shoal at sa BRP Sierra Madre, ang nakabarang Navy warship na nagsisilbing Philippine outpost sa erya.
Sinabi ni Roque na sa tingin ng China, ang huling delivery ng repair materials sa Ayungin ay paglabag sa “status quo” deal, kaya hinarang at binomba ng water cannon ng China Coast Guard at China militia vessels ang mga supply boat ng Pilipinas.
Sa kabilang banda, sinabi naman ng dating chief presidential legal counsel na si Atty. Salvador Panelo na sinabi ni Duterte na walang gentleman’s agreement sa China.
Ang nakapagtataka lamang dito, hanggangngayon ay hindi pa nagsasalita sa publiko si Duterte ukol dito. Samantalang ugali na niyang mabilis magbigay ng reaksiyon sa mga sensitibong isyu. bakit nga ba?
Maging ang anak ni Digong na si Vice President Sara Duterte-Carpio ay tameme sa isyu ng WPS. “No comment” aniya siya (sa mga pangha-harass ng mga barko ng China sa mga mangingisdang Pinoy lalo sa supply boat ng Pilipinas na nagdadala ng mga pagkain at kagamitan ng mga sundalo sa BRP Sierra Madre.
Dapat imbestigahan ng Kongreso ang sinasabing secret deal o gentleman’s agreement ni Duterte sa China.
Nagpasa na ng resolusyon si Senador Risa Hontiveros ukol dito. Subaybayan!