Advertisers
Agad na nasawi sa mga tama ng bala ang isang guro na biktima ng ambush sa Barangay Boniao sa Mayahag, Zamboanga del Sur nitong hapon ng Huwebes, April 11, 2024.
Sa ulat nitong Biyernes ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office, sakay ng kanyang motorsiklo si Jerome Faunillan Etorma, guro sa Dumingag National High School sa Dumingag, Zamboanga del Sur ng tambangan ng mga armado sa isang bahagi ng highway sa Barangay Boniao sa Mahayag sa naturang probinsya.
Nagawi sa gilid ng highway at doon na nabuwal ang motorsiklo ni Etorma sanhi ng mga tama ng bala sa kanyang katawan.
Ayon sa mga kapwa niyang guro, wala silang alam na may kagalit si Etorma at umaasa silang magtutulungan ang mga kasapi ng Mahayag at Dumingag municipal police stations sa pagkilala sa mga pumatay sa kanya.