Advertisers

Advertisers

AWOL na pulis nangholdap

0 8

Advertisers

Arestado ang isang dating pulis na sinibak dahil sa pag-absent without official leave (AWOL) nang mangholdap ng isang establisyimento Miyerkoles ng gabi sa Barangay Baybay, Cariaga, Leyte.

Kinilala ang suspek na si Salvador Humbria, 37, dating nakatalaga sa Leyte Police Provincial Office at residente ng nabanggit na bayan.

Sa ulat, 10:45 ng gabi noong Abril 10 nang holdapin ng suspek ang isang bilihan ng manok sa kahabaan ng Barangay Baybay ng bayang ito.



Matapos kunin sa kahera ang mahigit P2,500 na kinita ng tindahan, mabilis na tumakas ang suspek.

Agad namang ini-report ng mga empleyado ang ginawang panghoholdap sa kanila dahilan upang magsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya.



Naaresto ang suspek sa Barangay Punong ng nasabing bayan at ngayon himas-rehas na sa kulungan.

Sa ngayon, inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kaso laban sa suspek dahil sa ginawang krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">