Advertisers

Advertisers

Alden diniin, ‘di lahat dapat ilagay sa socmed lalo na ‘pag private

0 11

Advertisers

Ni BETH GELENA

NA-interview ni Nelson Canlas si Alden Richards at natanong nito ang real score nila ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Pagkaklaro ng Kapuso actor, mula nang gawin nila ang movie na Hello Love Goodbye ay naging friends na sila.



Mas pinili na lang daw nila na hwag nang i-publicize sa social media kung nagba-bond man sila.

Stressing the importance of privacy, he stated that personal matters are better kept private.



Naging usap-usapan kasi ang dalawa nang dumating si Alden sa birthday ni Kath at may dalang bouquet of roses at gift sa actress.

Nabigyang kahulugan pa ang pag-welcome ni Kath ng warm  embrace kay Alden.



Pahayag ng Multi Media Asian Star, “I was invited and siyempre, it was part of her post-birthday celebration with friends and family. Masaya naman. Masaya naman ‘yung naging experience and you can see how happy Kath is right now.”

Patuloy pa niya, “Hindi lang din talaga kailangan lagi ipamalita sa social media ‘yung mga ganyan. You know, sometimes ‘yung mga personal things that’s happening, better be personal na lang.”

O ayan, coming from Alden ha, yung mga personal things na nangyayari panatilihin na lang na private.

Let’s wait and see na lang kung may magandang kahahantungan ang friendship nila ni Kath.

Anyway, pareho naman na silang single, who knows someday may mabalitaan na tayong magandang music sa KathDen.

***

K-DRAMA VAGABOND S2 SA PINAS ISU-SHOOT, SINGSON ISA SA PRODUCER

TIYAK marami ang matutuwa kapag natuloy ang pagbubulgar ni Chavit Singson na gagawin dito sa Pinas ang Season 2 ng Vagabond na isang Korean series na nagtrending sa Netflix years ago.

Napanood din namin ang K-drama/thriller series na yun at nabitin kami sa panonood.

Akala namin ay masusundan agad, pero ilang years na ay wala pa ring kasunod.

Isa kami sa natuwa nang mapanood namin sa isang panayam sa dating pulitiko na si Chavit na malapit na raw ang Season 2 ng Vagabond.

Ayon sa former Ilocos Sur Governor, dito sa Pinas isu-shoot ang Vagabond S2.

Aniya, isa siya sa producers ng nasabing K-drama.

“Meron, ‘yung series na very popular sa Korea, ‘Vagabond’. Itutuloy dito. Nakatapos na sila, tapos ‘yung continuation, dito na sa Pilipinas kukunan,” sey ng dating pulitiko.

“Tinatapos muna ‘yung istorya para may susundan sila. Unlike the others na kapag gumawa, hinuhulaan kung saan susunod, ‘yun ayaw nila, gusto nila kumpleto na ‘yung istorya,” dagdag pa niya.

“Yes, makakasama ako sa production dahil niyayaya nila ako,” pagbubulgar niya.

Vagabond stars Lee Seung-gi and his leading lady Bae Suzy with Shin Sung-rok.

Komento ng mga netizens,

“baka kaya nyo rin po magawan ng paraan magka season 2 yung scarlet heart ryeo”

“Pati si Chavit hindi na nakatiis sa paghihintay sa S2 ng Vagabond”

“tito chavit nabitin sa vagabond, pinondohan”

“Boss Chavit, pakitulungan din po ang producers at writers ng SCARLET HEART para magkaroon na din ng Season 2! Huhu parang awa!!”

“tagal hinintay ang season 2”

“I can sense that already since lee seung gi keeps coming back to ilocos sur”

“I doubt pumayag ung ibang cast especially Bae Suzy lalo’t kung papalitan ang producer by replacing Studio Dragon.” Request naman ng isang K-pop fan, “Manong Chavit, pakidala naman po ang BTS sa Pilipinas once complete na sila. Pangngaasim, Manong.”

“Mabuti naman may season 2 ksi sobrang bitin ng s1 ending. hahahahaha”

“sa wakas magkaka season 2 na. Long overdue na to. si Bae Sucy pa rin kaya leading lady nya? Sobrang payat n nya ngaun eh.Thanks to Chavit for this good news”

“si chavit lang pala sagot para sa S2 ng vagabond  scarlet heart baka naman”

“tinatapos muna yun istorya para may susundan sila unlike other na nanghuhula ng susunod patama yun ah hahahaha”

“hinihintay ko talaga yang vagabond season 2 . akalain mo yun may eksena pala kukunin dito sa Pinas.”

“Gov baka pwedeng pa sponsor ang BTS concert dto sa Pilipinas come”

“ipanuod nyo kay chavit lahat kdrama na nabitin kayo na walang s2, baka sponsoran nya na hahahahaha”

“t’s been a year since we wait the season 2 of vagabond”

“Exciting tlaga ito once na isakatuparan ang shooting ng “Vagabond 2″ dito sa Pilipinas!!!”

“lee seung gi doesn’t accept any drama in korea lately coz i think it was for his prepation for the vagabond s2.”

“the Vagabond PD even visited lee seung gi while he was serving in the military and after he completed his service in Korean Special Force”

“lee seung gi was the first male lead consider by vagabond team coz of his closeness to the PDs whom he worked with in gufamilybook”

“lee seung gi accepted the drama series vagabond s1 coz he know the PDs whom he worked with during Kangchi era.”