Advertisers

Advertisers

4 ‘drug dealers’ todas sa drug ops

0 11

Advertisers

Nasawi ang apat katao na inabutang nagbenta ng P476,000 halaga ng shabu sa Barangay Luuk Pandan sa Bongao, Tawi-Tawi.

Sa ulat nitong Miyerkules in Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, naisagawa ang naturang operasyon ng mag-ulat ang ilang residente ng Luuk Pandan sa Bongao Municipal Police Station hinggil sa presensya sa kanilang barangay ng mga kalalakihang may mga armas na kahinahinala ang mga personalidad.

Inabutan ng mga kasapi ng Bongao MPS ang pag-abot ng naturang apat na lalaki ng shabu sa kanilang customer at nang sinita, bigla itong bumunot ng baril at nagpaputok kaya nagka-engkwentro na nag-resulta sa pagkamatay ng mga ito.



Magkatuwang na inaalam na ng mga kasapi ng Bongao MPS at ng Tawi-Tawi Provincial Police Office kung sino ang mga nakatakas na bibili sana sa apat na lalaking napatay sa naturang engkwentro ng 70 gramos na shabu, nagkakahalaga ng P476,000, na nasamsam ng mga pulis.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">