Advertisers

Advertisers

Gentleman’s agreement malaking isyu dahil sa maling akala?

0 86

Advertisers

Matunog na matunog ngayon ang usapin tungkol sa umano’y “gentleman’s agreement” sa pagitan nina Chinese President Xi Jing Pin at dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Eh mga Ka Usapang HAUZ ito ay ayon kay Atty. Harry Roque na dating tagapagsalita ni Pangulong Digong, nagkasundo ang dalawang lider na walang gagalawin sa West Philippine Sea / South China Sea at magpapanatili ng status quo ang China at Pilipinas.

Ang ibig sabihin, kung ano ang naroroon na, hindi tatanggalin at hindi rin dadagdagan, Ang gentleman’s agreement na ito, ayon kay Roque, ang dahilan kung bakit may biglang sigalot ngayon sa naturang karagatan.



Inaatake at hina-harass aniya ng mga Chinese vessels ang ating mga barko dahil may layunin tayong ayusin ang BRP Sierra Madre na nasa Ayungin Shoal. Wika niya, napagkasunduan nina Xi at Duterte na tanging tubig at pagkain lang ang dadalhin sa sirang barko.

Ayon pa rin kay Roque mga Ka Usapang HAUZ hindi ito sikreto dahil isiniwalat na ito ni dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano. “It’s not a secret deal,” wika ng dating House Speaker sa isang panayam nitong nakaraang Marso. “It was made public by former Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano, that their agreement was to maintain the status quo — no one will move and no conduct of any improvements so there will be no problem.”



Marami nang opisyal — sa administrasyon man ni Duterte o ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. — ang nagsabing hindi totoo ang sinabing ito ni Roque. “The Chinese have always talked about the gentleman’s agreement,” wika ni National Security Adviser Eduardo Año, “pero they cannot show anything na mayroon talaga, even a document, or even identify somebody who said that we particularly entered into that gentleman’s agreement.” Giit naman ni Atty. Salvador Panelo na dati ring spokesperson at chief legal counsel ni Duterte: “I was present in the state visit made by FPRRD (former president Duterte) in China as well as in the dialogue between the Chinese President and FPRRD. No such agreement was made between the two.”

Mas malilinawan tayo kung babalikan natin ang sinabi mismo ni Cayetano tungkol sa umano’y gentleman’s agreement na ito. Sa isang panayam sa Council on Foreign Relations noong October 2, 2017, sinabi niya: “So when President Xi and President Duterte met, they came up with a consensus, which is to have the status quo, for China not to move forward on any of the uninhabited features, and for the Philippines to do the same, and to get ASEAN back on track on talking of the COC.” mismo mga Ka Usapang HAUZ.



“Consensus” aniya ang nangyari, hindi gentleman’s agreement. Kung titingnan natin ang dictionary definition ng kataga, ito ang makikita natin: “agreement in the judgment or opinion reached by a group as a whole.” Kumbaga, tumango lang sila sa isa’t isa at walang kasunduang pinasok o kontratang pinirmahan. Binanggit din ni Cayetano sa panayam ang “gentleman’s agreement” pero bilang mungkahi lamang. Aniya, nanalo man tayo sa arbitration case laban sa China, hindi natin ito kayang ipatupad o i-enforce dahil ‘di hamak na mas malakas ang China sa atin. Ayon sa kanya, mas mabuti pang magkaroon ng gentleman’s agreement na walang gagalaw sa West Philippine Sea para mapanatili ang kapayapaan.

Pero sa huli, ang pakiramdam ko ay nag-uugat ang paglaki ng isyung ito sa maling akala tungkol sa mga katagang “gentleman’s agreement.” Ang definition nito ay “an arrangement or understanding which is based upon the trust of both or all parties, rather than being legally binding.”

Tulad ng consensus, wala ring pirmahan dito, at dahil nga hindi legally binding, maaari itong isantabi o bale-walain lalo na’t kung ibang tao na ang kaharap. Kahit pa sabihing nagkaroon ng ganitong kasunduan sina Xi at Duterte, hindi na ito binding sa kasulukuyang administrasyon dahil iba na ang gentleman na nakaupo sa Malacañang.

Much ado about nothing, ‘ika nga!

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag txt sa 09352916036